HINDI talaga nakakalimot si Congressman John Marvin C. Nieto o mas kilala bilang si Yul Servo sa entertainment press, na naging kasa-kasama niya simula nang mag-artista siya, kapag may importanteng ganap sa buhay niya.

Yul at Apple

Tuwing kaarawan ng aktor/pulitiko ay laging kasama ang entertainment press sa pinasasalamatan niya na nakagawian na niya taun-taon.

Pero siyempre, sa nabanggit na pagtitipon kamakailan na ginanap sa 77 Limbaga Restaurant ay natanong si Yul tungkol sa mga bago niyang plano sa pagtakbo niya para sa ikalawang termino ng pagiging congressman sa ikatlong distrito ng lungsod ng Maynila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa tanda namin noong nakatsikahan namin si Yul noong 2018 ay nabanggit niya ang planong magpatayo ng mga karagdagdang gusali ng eskuwelahan, ospital, presinto at opisina ng LTO sa may Tayuman Street.

Sa mga panahong iyon ay wala pang sapat na pondo ang opisina niya kaya naman masaya niyang ibinalita nitong huling kuwentuhan na ginagawa na ang mga nabanggit na gusali at ‘yung iba ay nakatayo na dahil talagang nilakad niya ang pondo para sa mga ito.

Isa-isang ipinakita ni Congressman Yul ang mga litrato ng mga gusali.

Aniya, “makulit po kasi ako, talagang paulit-ulit akong bumabalik sa kanila.”

“Ganu’n pa rin talaga ang plano ko sa lahat bilang public servant, tumaas ang responsibilidad ko sa distrito, kaya lumaki rin ang mga tulong na dumaan sa akin galing sa national at nadi-distribute ko naman nang maayos, pero siyempre, first come, first serve din dahil hindi naman ganu’n kalaki ang ibinibigay ng gobyerno na September palang, ubos na ang pondo, nu’ng nakaraan naman hindi naman nauubos.

“Sa tatlong taon ko bilang congressman, nakapag-approve tayo ng anim na palapag ng ospital, lahat po ng mga pangarap ko, naging makatotohanan na tulad nga ng ospital, ‘yung LTO magiging limang palapag na, bagong building,”mahabang kuwento ng aktor-pulitiko.

Ang isa pang ipinagpapasalamat nang husto ni Yul ay ang kaibigang si Piolo Pascual dahil sa tuwing may mga projects siya ay hindi siya nagdadalawang salita sa aktor.

Si Piolo raw mismo ang nagdadala ng mga ipinamimigay nitong goods at ham.

“Nagbigay siya ng 1,500 pieces na loot bags at ham para sa distrito ko, pa-birthday niya sa mga ka-distrito ko. Kaya tuwang-tuwa ang mga ka-distrito ko sa kanya. Siya mismo ang nagka-kamada. Tapos nagbigay din siya ng 1,000 pieces na world balance shoes para sa mga estudyante,” kuwento ng bff ni PJ.

Nitong mga huling araw ay may mga negatibong isyu na naman kay Piolo, bagay na ikinalulungkot ni Yul pero kilala niya ang kaibigan at alam nito na kaya nitong lutasin ang problema.

“Kabisado ko naman kung paano siya magdala dahil matagal ko na siyang nakasama. Alam ko kung paano niya i-handle ang kanyang buhay. Kayang-kaya niya iyon,” saad ng mambabatas.

Samantala, muling nabanggit ni Yul ang mahigpit na bilin ng kanyang nasirang manager na si Direk Maryo J. delos Reyes.

“Huwag daw akong mangungurakot, ito ang numero unong bilin niya at talagang pinatunayan ko na hindi ako nangurakot simula nang mahalal akong konsehal hanggang ngayong congressman na ako.”

Samantala, kumakandidato namang konsehal sa 3rd district ang kapatid niyang si Apple Nieto. At muling kakandidato si Yul para sa ikalawang termino mula sa partidong Asenso Manileño.

-Reggee Bonoan