WAGING-wagi nga sa mga beki ang isinagot ng “Miss Q&A” winner ng It’s Showtime na si Mitch Montecarlo Suansane, dahil gaya ng inaasahan, nanawagan siya kontra sa diskriminasyon at ipinaglaban ang karapatan at pantay na pagkilala para sa mga bakla.

Si Mitch, isang comedy bar host, ang nanalo nitong Sabado sa “Miss Q&A InterTalaktic 2019: The Final Chuckchak…Vaklang Twooo!”, at in pernes, sobrang napuno ang Araneta Coliseum coz may kani-kaniyang fans ang mga baklitang kandidata.

Super aliw naman kami sa mga “hugot” ng mga beking kontesera, lalo na sa Q&A portion sa kanila ng judges na kinabilangan nina Madam Charo Santos, Kuya Boy Abunda, Lord of Scents Joel Cruz, Karylle, atbp.

Ang tanong kay Mitch: “Ano ang isang dahilan na pinaka-pumipigil upang lubusang matanggap ng lipunan ang inyong kasarian?”

‘Hindi nakakatuwa!’ Karla Estrada, nabuwisit kay Ogie Diaz

“Marahil po ang isa sa mga dahilan kung bakit pinipigilan kung ano man ang aming kasarian, which is bakla, ‘yong parang tayo ay sagrado Katoliko. Dahil tayo ay namulat o napag-aralan natin mula sa pagkabata na sa Bibliya ay walang bakla kundi lalaki at babae lamang.

“Maaaring tumatatak sa ating isipan kaya mas mahirap para sa kanila na tanggapin kami bilang bakla, ngunit kung inyo pong bibigyan ng panahon o kung bibigyan ng pagkakataon na kami ay tanggapin, inyong malalaman na kaming mga bakla ay isang superyor din. Kaya nga po tinawag na bakla...ba-ka-la...kami po ay bahagi ng lahat so kami po ay kinakailangan na kami po ay makiki-belong din kaya walang diskriminasyon.

“Walang sino man ang puwedeng ‘di tumanggap dahil tayo ay pantay-pantay na ginawa ng Diyos. And I thank you!” winner na sagot ni Mitch.

Nakakuha ng 95.8% score si Mitch sa kanyang sagot. Habang 92.5% naman ang nakuha ng first runner-up na si Czedy Rodriguez, at 92.1% kay Chad Kinis, second runner-up.

Sa presscon after ng competition, tinanong ni Yours Truly kung hindi ba nabasa ni Mitch sa Bible ‘yung sinabi ni Lord God kay Noah: “Bring with you all animals according to each kind. And we, as human being, is considered the highest form of animals, devah naman?”

“Malalim po kasi ‘yung kahulugan, pero ‘yung tinatawag na parang silver lining, ‘di ba, yun ang tinutumbok na wala talagang beki or tomboy, usually, lalaki at babae lang talaga, which is aminin din naman natin na ‘yun din naman ang natutuhan natin sa school,” sagot ni Mitch.

“So kung meron mga ganu’ng definition baka puwede pa nating….siguro lahat naman ng nakasulat dun ay may explanation. So siguro po, saka na lang nila mababawi ‘yung prize ko kung may mali po akong sagot dun. Siguro sa barangay na lang po tayo pumunta,” biro niya na ikinatawa ng mga nasa presscon.

So okay fine and congratulations, Mitch, for being the grand winner. Congrats na rin kina Czedy at Chad.

-MERCY LEJARDE