PINATAWAG ang Colombian singer na si Shakira sa korte sa June 12 para harapin ang mga akusasyon na hindi siya nagbayad ng 14.5 million euros ($16.5 million) sa tax, inihayag ng korte sa Catalonia region said ngayong Martes.

Shakira_

Ang court statement na ipinatupad noong Jan. 22 ay inilathala nitong Martes.

Nagsampa ang mga prosecutor ng kaso noong December dahil sa umano’y hindi nito pagbabayad ng buwis sa naipon niyang kita noong 2012 hanggang 2014, kung saan sinabi nitong nanirahan sa region si Shakira nang mga panahong iyon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Inihayag naman ng mga kinatawan ni Shakira, makaraang matanggap ang akusasyon, na hindi tumira sa Spain ang singer hanggang 2015 at nabayaran nito ang lahat ng kanyang tax obligations.

Regular na dinadaluhan ng Hips Don’t Lie at Clandestino singer ang football matches ng kanyang partner na si Gerard Pique, na naglalaro para sa Barcelona. Sina Gerard at Shakira, na isang dekada nang magkarelasyon, ay may dalawang anak.

Hindi lang si Shakira ang celebrity na pinatawag ng Spanish authorities hinggil sa tax.

Nahatulang guilty ang teammate ni Gerard, ang Argentinian na si Lionel Messi, pati ang kanyang ama, ng 4.1 million euro tax fraud noong 2016 at pinagmulta ng 250,000 euros, pati na ang nawawalang missing tax plus interest.

Noong Jan. 22, pinagmulta ang Portuguese international na si Cristiano Ronaldo, na umalis sa Real Madrid para sa Juventus ngayon taon, ng halos 19 million euros para sa tax fraud.

Reuters