MAGTATAPOS na pala ang GMA 7 teleseryeng Asawa Ko, Karibal Ko, na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Thea Tolentino, at Rayver Cruz na nagsimula noong Oktubre 2018.

Rayver

Araw-araw ang taping ng serye kaya uuwi lang si Rayver sa bahay nila para maligo at kumuha ng damit, ayon sa kampo ng aktor.

Tinanong kasi namin kung paano hinaharap ngayon ni Rayver na wala na sa piling nila ang inang si Ms Melody ‘Beth’ Cruz.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kuwento ng kampo ng binata: “Idinaan sa work, hayun nagpapaka-busy, at okay naman. Work lang nang work.”

Sumakto nga raw na bukod sa Asawa Ko, Karibal ko ay may Studio 7 show pa si Rayver, kaya wala siyang masyadong oras para mag-isip ng kalungkutan.

“After siguro ng Asawa Ko, Karibal Ko, doon na ‘yan makakapag-isip, kasi as of now wala pang follow-up serye. Sabi inaayos pa, pero siguradong meron naman. So isang show lang muna siya,” sabi sa amin ng malapit sa aktor.

Sabagay, kuwento rin ni Lotlot de Leon, na kasama ni Rayver sa serye, sobrang propesyunal daw ng aktor at hindi nila pinag-uusapan ang nangyari sa ina nito.

Malapit si Rayver kay Lotlot, na ina ng love of his life na si Janine Gutierrez.

Speaking of Janine, ang fantaserye niyang Dragon Lady ang papalit sa Asawa Ko, Karibal Ko ni Rayver.

Si Tom Rodriguez ang leading man ni Janine sa Dragon Lady, na handog ng GMA 7, sa direksiyon ni Paul Sta. Ana.

Going back to Rayver, may series of shows siya sa Dubai sa Abril, at pinaghahandaan na niya ito sa ngayon.

-Reggee Bonoan