PAGKATAPOS ihayag ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ExeCom na open na ang application para sa MMFF 2019 ay sinundan naman ito ng pagsasapubliko ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng mechanics para sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019.

Una na itong inihayag noong Enero, sinabing idaraos ang 3rd PPP sa Setyembre 12-18, o ang eksklusibong pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino sa loob ng isang linggo, sa lahat ng sinehan sa buong bansa.

Ang event na ito ay kasabay ng pagdiriwang ng One Hundred Years of Philippine Cinema na magsisimula rin sa nabanggit na buwan.

Naglabas din ang FDCP ng call for applications ngayong taon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Walong pelikulang Pilipino na magkakaroon ng Philippine premiere sa PPP ang pipiliin at iku-curate ng Selection Committee.

Tatlo sa mga ito ay mga nasa advanced stage of development o production stage, habang lima naman ang natapos na at nasa post-production stage na.

Ang deadline of submission para sa film projects na nasa production stage ay sa Marso 8, 2019, habang sa Mayo 31, 2019 naman ang pasahan para sa finished films o iyong nasa final post-production stage.

Ang mga mapipiling pelikula ay tatanggap ng co-production fund na aabot sa P2 milyon.Magbibigay ang mga sinehan sa bansa ng discounted rates para sa mga estudyante. Nasa P180 ang presyo ng tickets para sa mga estudyante sa Metro Manila, at P130 naman para sa mga estudyante sa mga probinsiya.

Simula 2017, ang PPP ay nagtatampok sa mga award-winning films, kabilang ang Birdshot at Signal Rock, na napili bilang official entry ng bansa sa Academy Awards for Best Foreign Language Films.

Para sa iba pang impormasyon at guidelines, bisitahin ang www.fdcp.ph.

-REGGEE BONOAN