TORONTO (AP) — Hataw si Pascal Siakam sa naiskor na 25 puntos, habang tumipa si Kawhi Leonard ng 21 puntos para sandigan ang Toronto Raptors kontra Boston Celtics, 118-112,nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Kumubra si Serge Ibaka ng 14 puntos at kumana si Norm Powell ng 11 puntos para hilahin ng Toronto ang home winning streak laban sa Boston sa walong laro. Hindi pa nananalo ang Celtics sa Canada mula nang makaisa, 117-116, sa overtime noong April 4, 2015.

Kumana si Kyle Lowry ng 11 assists para tulungan ang Toronto na maitarak ang 31 puntos na bentahe sa second half.

Nanguna sa Boston si Marcus Morris na may 17 puntos, habang umiskor sina Jayson Tatum at Terry Rozier ng tig- 11 puntos. Nalimitahansi Kyrie Irving sa pitong puntos – pinakamababang iskor sa kanyang career mula noong Oct. 27 kung saan nakasikorlang siya ng tatlo laban sa Detroit.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

KNICKS 108, MAGIC 103

Sa New York, sinalanta ng Knicks backup ang Orlando Magic sa 75-7 iskor para sa impresibong panalo ng New York.

Nagsalansan si Emmanuel Mudiay ng 19 puntos, habang kumana si Mitchell Robinson ng 17 puntos para panguhanan ang Knicks sa ikalawang sunod na panalo sa Madison Square Garden. Bago ito, naitala nila ang 18-game losing skid sa pamosong venue.

Nanguna sa Magic sina Nikola Vucevic at Aaron Gordon na may tig-26 puntos. Nag-ambag sina Jonathan Isaac ng 16 puntos at Evan Fournier na may 15 puntos.