Nagbabala si Pangulong Duterte na nasa panganib ngayon ang bansa dahil napasok na ang Pilipinas ng Medellin drug cartel ng Colombia, batay sa serye ng nagsisilutang na cocaine bricks sa ating mga baybayin.

Pangulong Rodrigo Duterte

Pangulong Rodrigo Duterte

“We are facing a serious problem. Pumasok na ang cartel Medellin, [ng] Colombia. Kaya nga marami na naman makikita cocaine,” inihayag ni Duterte sa kanyang pagdalo sa national assembly ng mga opisyal ng barangay sa Pasay City nitong Lunes ng gabi.

“We are in danger because on the right side ang Mexico, pati ang Medellin pati ang Colombia pumapasok, cocaine,” sabi ni Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nangako ng pinatindi pang kampanya kontra ilegal na droga, una nang sinabi ni Duterte na umabot na sa Pilipinas ang ilegal na operasyon ng Sinaloa drug cartel ng Mexico at ang bamboo triad ng Asia.

Ayon kay Duterte, ang mga droga ay niluluto sa loob ng maliliit na barko at basta na lang itinatapon sa dagat para kuhanin doon ng mga drug dealers, sa tulong ng GPS.

Sa nakalipas na dalawang linggo, bloke-bloke ng cocaine ang naglutangan sa baybayin sa Surigao del Sur, Camarines Norte, Aurora, Davao Oriental, at Dinagat Islands.

“Dito, ngayon makikita mo kung lumulutang, shabu, cocaine. At mahirap ang Pilipinas because tayo ang pinakamahabang shoreline. Kasi island for island ‘yan ganun. Hindi naman straight ‘yan. Dito, dito, dito. Very porous,” anang Pangulo.

Seven thousand islands ang Pilipinas. Hindi kagaya ng America na isang stretch lang. Dalawang submarino lang magganunan. Dito island for island wala tayo (na magbabantay). Kulang tayo. So I cannot afford na may isang patrol dito, for island for island. Ganun kahirap. So I have to do something about it. I’m just warning.

“I promise you that at this time of our national life, it is the time during my time that it would be very, very dangerous for anybody to do drugs. Whether as a drug lord, wala akong pakialam kung galing kang China, galing kang Taiwan, galing kang Malaysia. ‘Pag pumunta kayo dito at ginawa ninyo ‘yan, papatayin ko talaga kayo,” banta pa ni Duterte.

Genalyn D. Kabiling