Upang ngayon pa lang ay maging pamilyar na ang mga botante sa balotang gagamitin sa Mayo 13, ipinost na ng Commission on Elections ang ballot face templates sa website nito.

BALLOT

“We want the public to be able to see the ballots for themselves, ahead of time,” sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez. “This will allow them more opportunities to study their options and to familiarize themselves with the ballot itself.”

Una nang sinabi ng Comelec na nagkaroon ng pagbabago sa balotang gagamitin sa Mayo 13, dahil hindi na sa harapan ng balota nakalista ang mga party-list groups, kundi nasa likod na.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Dati, ang mga party-list organization ay nakalista sa ilalim ng pangalan ng mga kandidato sa pagkasenador.

Sa halip, ang pangalan na ng mga kumakandidato sa lokal na posisyon, tulad ng para kongresista, gobernador, bise gobernador, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan; mayor, vice mayor, at konsehal ang nasa harapan ng balota.

Kaugnay nito, puspusan na ang pag-iimprenta ng mga balota, at sinabi ni Jimenez na 1.1 milyon na ang average na balotang naiimprenta ng National Printing Office (NPO) kada araw.

Aniya, una nang nakumpleto nitong Pebrero 16 ang 1.7 milyong balota para sa overseas voting, na sisimulan sa Abril 13.

Kumpleto na rin ang ballot printing sa iba pang priority areas, partikyular sa Mindanao, at sa kabuuan ay nasa 11,346,352 na, o 17.82% ng kabuuang 63,662,481 balota, ang natapos nang maimprenta.

Sinimulan nitong Pebrero 9, target ng Comelec na matapos ang ballot printing hanggang sa Abril 25, 2019.

Leslie Ann G. Aquino at Mary Ann Santiago