May paabiso ang Department of Transportation sa mga pasahero: Hihigpitan pa ang seguridad sa mga tren makaraang isang pasahero ang mahulihan ng granada sa MRT-Cubao Station.

HALA SIYA! Kausap ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar si Christian Guzman, 29, na nahulihan ng granada sa MRT-Cubao Station  nitong Sabado. ALVIN KASIBAN

HALA SIYA! Kausap ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar si Christian Guzman, 29, na nahulihan ng granada sa MRT-Cubao Station nitong Sabado. ALVIN KASIBAN

Hindi ipagwawalang-bahala ng DOTr ang pagkakaaresto sa isang lalaki, na nahuli sa tangkang pagpupuslit ng granada sa loob ng Cubao Station ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 nitong Sabado ng gabi.

Tiniyak ng DOTr na seryoso nilang tutugunan ang isyu at magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa mga istasyon ng tren upang matiyak na walang makalulusot na mga pampasabog at mga ipinagbabawal na bagay, na maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga pasahero at mga empleyado sa mga istasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ngayon pa lang ay humihingi na ng pang-unawa at kooperasyon ang DOTr sa mga pasahero kaugnay ng pagpapatupad ng mas mahigpit na security measures, dahil para rin naman ito sa kaligtasan at kapakanan ng mga pasahero.

Nanawagan din ang DOTr sa mga pasahero na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa kagawaran sa aging pagre-report sakaling may makita silang anumang kahina-hinalang tao o aktibidad o gamit sa loob ng mga istasyon at ng mismong tren upang kaagad itong maaksiyunan.

Ang paghihigpit ng DOTr ay kasunod ng pagkakakumpiska ng isang live MK-2 hand grenade mula sa bag ng pasaherong si Christian Guzman, 29, habang pasakay sa MRT Cubao Station dakong 7:10 ng gabi nitong Sabado.

Inaresto at kinasuhan ng illegal possession of ammunition and explosives, sinabi ni Guzman na ang granada ay pagmamay-ari ng kanyang kapatid na isang dating sundalo at nakita niya lang sa kanilang bahay.

Mary Ann Santiago at Jun Fabon