Muling nakarekober ngayong Linggo ng 34 na cocaine bricks na lumutang sa dagat sa Tandag City, Surigao del Sur—ang ikawalong beses na nakadiskubre ng nasabing droga malapit sa dalampasigan ng bansa simula nitong Pebrero 10.

COCAINE SA DAGAT Sinusuri ng Crime Laboratory Group ng PRO-13 ang aabot sa P500 milyon halaga ng cocaine na lumutang sa baybayin ng Dinagat Islands at Surigao del Norte nitong Pebrero 12, 14 at 15, 2019.

COCAINE SA DAGAT Sinusuri ng Crime Laboratory Group ng PRO-13 ang aabot sa P500 milyon halaga ng cocaine na lumutang sa baybayin ng Dinagat Islands at Surigao del Norte nitong Pebrero 12, 14 at 15, 2019.

Sinabi ng Surigao Del Sur Police Provincial Office (SDSPPO) na dakong 6:30 ng umaga ngayong Linggo nang marekober ang 34 cocaine bricks sa Purok Santan, Barangay Bungtod sa Tandag City.

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-13 director Chief Supt. Gilbert Cruz, ini-report ng dalawang mangingisda, sina Ronnie Navales at Ryan Apelo, ang pagkakatagpo sa mga cocaine bricks na nakabalot ng itim na plastic at nakita nilang palutang-lutang sa laot.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mabilis na remusponde ang mga pulis at tumambad sa kanila ang 34 cocaine bricks, na ayon kay Chief Supt. Cruz ay tinatayang nagkakahalaga ng P230 milyon, at tumitimbang ng nasa isang kilo ang bawat isang brick.

Malaki ang paniniwala ni Cruz na bahagi ang mga nasabing cocaine bricks sa mga una nang natagpuan sa baybayin ng Dinagat Island at Siargao kamakailan.

“The bricks have dollar sign that is similar with those recovered in Dinagat Island Province,” sabi ni Chief Supt. Cruz.

Iba naman ang markings ng mga cocaine bricks na natagpuan sa Surigao del Norte, Quezon, Camarines Sur, at Camarines Norte, ayon sa pulisya.

Mahigit 40 cocaine bricks ang nalambat sa Dinagat Island, habang nasa mahigit 40 bricks din ang nadiskubre sa Surigao del Norte, ayon kay Senior Supt. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).

Una nang sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na ang magkakasunod na insidente ng paglutang ng cocaine bricks sa dagat ay diversionary tactics lang ng mga sindikato ng droga.

“While all government forces are focused on operations to retrieve the floating cocaine, we believe drug syndicates may take the opportunity to smuggle shabu,” ani Aquino.

“They were willing to sacrifice P125 million worth of cocaine to smuggle P11.15 billion worth of shabu. It is because the Philippines is not a cocaine-consuming country. The number one drug of choice here is shabu,” paliwanag ng PDEA Chief, idinagdag na ginagawang transshipment point lang ng droga ang Pilipinas.

Fer Taboy at Aaron Recuenco