OAKLAND, Calif. (AP) — Hataw si Stephen Curry sa naiskor na 36 puntos, tampok ang 10 three-pointer para sandigan ang Golden State Warriors sa dikitang 125-123 panalo kontra Sacramento Kings nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Ratsada rin si Kevin Durant sa naitumpok na 28 puntos, siyam na rebounds at career-high seven blocks, habang nag-ambag si DeMarcus Cousins ng 17 puntos at 10 rebounds sa unang laro laban sa dating koponan ngayong season.

Nanguna si Marvin Bagley III sa Kings na may 28 puntos at 14 rebounds, habang tumipa si Buddy Hield ng 19 puntos at pitong rebounds.

LAKERS 111, ROCKETS 106

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Los Angeles, kumubra si LeBron James ng 29 puntis at tumipa si Brandon Ingram ng 27 puntos sa panalo ng Lakers kontra Houston Rockets.

Naghabol ang Lakers sa kabuuan ng laro bago nagbaba ng 17-4 run sa loob ng anim na minuto para agawin ang momentum at panalo sa Rockets.

Nanguna si James Harden sa Houston na may 30 puntos, 10 rebounds at siyam na assists bago na-fouled out may 1:24 ang nalalabi sa laro.

Nag-ambag si Chris Paul ng 23 puntos.