SINOPRESA ng San Mateo, sa pangunguna ni Damian Lasco, ang liyamadong San Juan, 89-85, sa makapigil-hiningang duwelo kamakailan sa Community Basketball Association (CBA) Founders’ Cup basketball championship sa San Juan gym.

ANG pambato ng General Trias na si Justine Laureno ang isa sa sinusubaybayan ng basketball fans sa Community Basketball Association (CBA).

AwitanANG pambato ng General Trias na si Justine Laureno ang isa sa sinusubaybayan ng basketball fans sa Community Basketball Association (CBA).

Naisalpak ni Lasco ang tie-breaking three-point may 15 segundo ang nalalabi para sandigan ang Blazers sa come-from-behind victory laban sa hometown rivals.

Tinuldukan ng game-winning shot ni Lasco ang matikas na 32-20 fourth-quarter run ng Blazers para makaahon sa 57-65 paghahabol sa pagtatapos ng third period.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

May pagkakataon ang San Juan na maipuwersa ang overtime, ngunit sumablay ang pagtatangka sa three-point ni Joshua Saret bago naisalpak ni Ralph Salcedo ang isang free throw para selyuhan ang laro.

Nanguna si Gumaru sa naiskor na 30 puntos mula sa 11-of-14 shooting para sa Blazers, kasunod si Lasco na may 19 puntos at Salcedo na may 14 puntos.

Kumubra si Saret ng 17 puntos para sa Knights. Nag-ambag si Denniel Aguire ng 15 puntos at Noah Lugo na may 12 puntos.

Sa first game, ginapi ng Bulacan ang Quezon City, 97-93, para sa matikas na debut sa community-based grassroots development tournament.

Hataw si Martin Gozum sa naiskor na 20 puntos, pitong rebounds at anim na assists, habang kumana si Jomar Santos ng 16 puntos at 17 rebounds para sa Bulacan, umabante sa pinakamalaking 12 puntos.

Nanguna si Jaco Tayongtong sa Quezon City na may 26 puntos,

pitong assists at anim na rebounds . Kumasa sina Alvin Alday na may 24 points at Ramon Mabayo na kumana ng 16 puntos at 13 rebounds.

Sinabi ni CBA Operations head Beaujing Acot na paparada sa aksiyon ngayon ang apat pang teams sa General Trias Sports Complex in Cavite.

Iskor:

(Unang Laro)

Bulacan Heroes (97) – Gozum 20, Santos 16, Monte 14, Doroteo 10, Necio 10, Mohammad 9, Dela Cruz 8, Velchez 4, De Mesa 3, Magbanua 2, Saldana 1

Quezon City Capitals (93) – Tayongtong 26, Alday 24, Mabayo 16, Raflores 10, De Guzman 9, Castro 4, Cantos 4, Belosillo 0, Matias 0, Barua 0.

Quarterscores: 23-19, 48-45, 76-67, 97-93

(Ikalawang Laro)

San Mateo Blazers (89) – Gumaru 30, Lasco 19, Salcedo 14, Marilao 12, Urganay 10, Castillo 3, Duran 1, Magalangcom 0, Egea 0, De Joya 0, Maullion 0

San Juan Knights (85) – Saret 17, Aguirre 15, Lugo 12, Clarito 10, Marquez 8, Buñag 7, Rosopa 4, Reyes 4, Ubalde 4, Bonifacio 2, Garcia 2, Asrero 0

Quarterscores: 27-25, 42-48, 57-65, 89-85.