Inaresto ngayong Sabado ang singer na si R. Kelly ilang oras makaraang ilabas ng Chicago, Illinois prosecutors ang arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng mga kaso ng sexual abuse sa mga menor de edad.

R. Kelly

R. Kelly

Inaasahang haharap ang 52-anyos na singer, na Robert Kelly ang tunay na pangalan, sa korte ngayong Sabado upang magpiyansa.

Nitong Biyernes, inihayag ng Cook County State Attorney's Office na nahaharap ang betarenong R&B singer sa 10 kaso ng felony sa criminal sexual abuse, kaugnay ang umano’y insidente sa apat na babae, na naganap noong nasa edad 13-16 ang mga ito.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kinakailangang humarap ng singer sa korte sa Marso 19 upang harapin ang kaso, na may sentensyang tatlo hanggang pitong taong pagkabilanggo, ayon sa TMZ.

Lumabas ang ulat sa warrant ilang oras lamang makaraang lumutang ang dalawang babae na tumestigo umano sa seksuwal na pang-aabuso ni Kelly sa mga menor de edad.

Sinasabing sekretong lumapit umano ang mga awtoridad sa grand jury ngayong buwan upang masuri ang ebidensiya mula sa sex tape na isinumite ng kliyente ni Atty. Michael Avenatti. Makikita umano sa footage si Kelly habang nakikipagtalik sa 14 na ayos na babae.

Naninindigan si Kelly sa kanyang pagka-inosente sa kabila ng dekadang bintang ng mga pang-aabuso niya, na muling nabuhay ngayong taon ng ilabas ang docuseries na Surviving R. Kelly, na nagtampok iba’t ibang mga akusasyon laban sa singer.

Samantala nitong nakaraang buwan, iginiit ni defence attorney Greenberg na walang ginawang mali kanyang kliyente.

"The allegations aren't true because he never knowingly had sex with an underage woman, he never forced anyone to do anything, he never held anyone captive, he never abused anyone," pagbabahagi ng abugado sa The Associated Press.