NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Iloilo City para sa gaganaping Visayas leg ng Batang Pinoy na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) simula bukas sa Iloilo Sports Complex.

Kabuuang 3,000 na mga batang atleta buhat sa 67 Local Government Units (LGUs) ang inaasahang lalahok sa nasabing ikalawang leg ng kompetisyon para sa kabataang atleta 15-anyos pababa.

“The city and province of Iloilo have been wanting to host the Batang Pinoy and we are glad it’s finally happening here,” ayon kay Iloilo City Youth and Sports Development Office Head na si Moises Salomon Jr.

Siniguro ng PSC na nasa tamang hakbang ang lahat upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga kalahok.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kagaya ng ginanap na Mindanao leg sa Tagum, Davao del Norte nitong Pebrero 2-9, tampok ang 20 sporting events sa 15 playing venues.

Kabilang sa mga magiging tanghalan ng mga laro ay ang La Paz Elem. School, Graciano Elem. School, Pison Elem. School, Montes Elementary School, Jaro Elem. School at Jalandoni Memorial Nat’l High School na may pinakamalaking bilang ng mga atleta na tatanggapin para pansamantalang tuluyan.

Sa nakaraang Visayas leg, naiuwi ng Cebu City ang panalo sa kanilang 46 gold, 59 silver at 69 bronze medals, na ginanap naman sa Dumaguete City na noon ay nakapuwesto ng ikalawa sa kanilang 41 gold, 29 silver at 44 bronze.

-Annie Abad