ANG pelikulang mala-Glorious, na pinagbidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca ang inaasam-asam na magampanan ni Arron Villaflor, lalo na at aminado siyang matagal na niyang crush si Angel.

aaron-villaflor-1-e1548656969897 copy

Sa nakaraang panayam kay Arron sa pictorial ng Prestige International beauty brand, aminado ang aktor ng Heneral Luna na gustung-gusto niyang gumawa ng pelikula na mala-Glorious ang tema.

“When I heard about Glorious under Dreamscape, sabi ko, ‘Sana bigyan din ako ng ganung project, sana I can go way beyond kasi 28 (years old) na ako’. Alam kong ready na ako sa ganyang roles,” sey ng aktor.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kahit pa raw i-require siyang magpa-sexy, basta para sa ikagaganda ng pelikula, hindi siya mag-aatubiling gawin ito.

“Ang ganda kasi ng eksena, sabi ko, alam mo ‘yung very sexy na romantic na ibang level ang ipinakita nila. ‘Di naman kasing masagwa na lumabas sa TV. I guess ‘di naman nila pababayaan ‘yung shots. Iba ‘yung level ng intensity dun sa bed scene,” sabi ni Arron.

Sa nasabing panayam, inamin ni Arron na matagal na pala siyang may paghanga kay Angel. Nagkatrabaho sila bilang mag-ina sa teleserye ng ABS-CBN noong 2011 na Maria la del Barrio, na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

“Alam na ng mga tao ‘yan, grabe. She has this very, very unique personality, she’s very professional to work with nung Maria la del Barrio, kay Erich. Mother ang role niya [Angel] dun. Nanay ko siya, [pero] ‘di ko pa rin nagawang itago na may crush ako sa kanya.

“Love scene (kay Angel)? Oo naman ang tagal na nun. Six years ago na ‘yun (na gumanap silang mag-ina), so kung bibigyan kami ng chance para magtrabaho, iga-grab ko talaga.”

Isang mature and daring show sa iWant TV ang gagawin ni Arron, ang Sex and Coffee. Hindi pa alam ng Kapamilya actor kung sino ang ibang cast members na makakasama niya rito.

Sex And Coffee ‘yung working title. ‘Di ko pa alam kung sino mga cast. Nung in-offer sa akin sabi ko, ‘Okay ako diyan.’

“Tagal na nung huling serye, kaya sabi ko, ‘Tara, trabaho na tayo.’ Gusto ko nang magtrabaho, gusto ko nang makita ang sarili ko sa TV,” sabi ni Arron.

-Ador V. Saluta