PANAHON na naman ng pagwawagi matapos ipahayag ng Thunderbird – ang nangungunang Gamefowl feeds & Vetmed company -- ang pagdaraos ng 2019 Thunderbird Manila Challenge na kapapalooban ng mga regional qualifiers sa iba-ibang bahagi ng Plipinas at ang Thunderbird 6-Cock All Star Derby na nakatakda sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22.
Ang mga Regional 5-Bullstag/Cock Derby ay may entry fee na P11,000 at minimum bet na P6,600. Ang magkakampiyon, bilang karagdagan premyo ay tatanggap ng P100,000 na halaga ng Thunderbird products (P50,000 feeds + P50,000 vetmed) + 1 TMX 125 cc motorbike. May isang mountain bike para sa handler at 1 dosenang tari (Ampy Tari Shop) para sa mananari.
Ang Luzon Regional Qualifiers ay magaganap sa Marso 22 Pangasinan – Pangasinan Coliseum (Region 1, Aurora, Nueva Ecija), Marso 26 Rizal - Texas Cockpit Arena (GMA, Rizal, Cavite), Marso 28 Isabela – Jaycee Clay Sports Arena (Region 2 & Kalinga), Marso 29 Laguna – Fantastic Coliseum (Laguna, Quezon, Batangas), Abril 5 Pampanga – Bacolor Cockpit Arena (Pampanga, Bataan, Zambales, Bulacan) and Abril 6 Bicol – GPB Mayon, Tabaco City (Bicol Region)
Ang mga Visayas Regional Qualifiers ay mangyayari sa Marso 29 Cebu – New Gallera de Mandaue (Cebu, Negros Oriental, Bohol), Abril 6 Leyte – Leyte Reacreational & Amusement Center, Palo, Leyte (Leyte & Samar) and Abril 10 Panay – Iloilo Coliseum (Panay & Negros)
Ang Mindanao Regional Qualifiers ay nakalinya sa Marso 30 Davao – New Gallera de Matina (Davao), Abril 13 Dapitan – Gallera de Dapitan (Caraga & Western Mindanao), Mayo 3 Cagayan de Oro – Igpit Cockpit Arena (Cagayan de Oro) and
Ang Thunderbird Manila Challenge National Championship 6-Cock All-Star Invitational Deby sa Smart Araneta Coliseum ay sa Mayo 22 at magtatanghal ng matinding labanan sa pagitan ng 25 Thunderbird endorser, 15 Regional Champions at 8 special cyber qualifier champions kasama rin si Engr. Taguibao ng Cagayan upang ipagtanggol ang kanyang korona.
Ang national champion ay mag-uuwi ng 1 bagong Toyota Hilux. Ang kanyang handler ay tatanggap ng 1 TMX 125 cc motorcycle, samantalang ang kanilang mananari ay mabibigyan ng 1 dosenang tari mula sa Ampy Tari shop
Sa Mayo 23 hanggang 27, lahat ng lumahok sa Thunderbird Manila Challenge National Championship 6-Cock All-Star Invitational Deby ay magsasamang babiyahe at magpapasyal sa bansa ng Vietnam.