FOUR years ago nai-confide sa amin ni Korina Sanchez na naghahanap sila ni Mar Roxas ng surrogate mother ng magiging anak nila.

Mar at Korina

Nakiusap siya na confidential ito, so hindi namin puwedeng isulat. Tsismis is my business, pero kahit papaano’y napatunayan namin na mapagkakatiwalaan din naman kami, he-he....

Nitong nakaraang Huwebes, sorpresa ang post ng broadcast journalist sa kanyang social media account na kuha sa dalawang pares ng mumunting mga paa, na nilagyan niya ng caption na ito:

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I think if you believe hard enough, the miracle you most want can come true. Announcing the arrival of our little boy and little girl.

“We’re thinking of names. Any suggestions? Jack and Jill? Sonny and Cher? MariKor and KoriMar? Daniel and Kathryn?

“Did you ever think it could still happen for me? I never stopped believing.”

Kahapon, inilabas nilang mag-asawa ang kanilang official statement.

“Sa wakas, nandito na ang matagal na naming ipinagdasal. Akala namin hindi na mangyayari. After years of working on our baby project, ito na ang himala galing langit.

“We welcome into our family our children, a baby boy and a baby girl. Born by surrogacy from our embryos, the little boy arrived first at 5 pounds 4 ounces and one and a half hours later, his fraternal twin sister arrived at 4 pounds 12 ounces. They are both perfectly healthy.

“We cherish this moment and thank God for His grace of allowing us to complete our family. Ang mother abalang-abala with feeding two hungry babies every two hours, while ang doting father remains speechless.”

May anak sa pagkabinata si Mar sa former beauty queena na si Maricar Zaldarriaga, si Paolo, 25, na nagtapos ng Economics sa Yale University noong 2017.

Economics din ang tinapos, sa Wharton University naman, ng dating senador (muling kumakandidato ngayon) at dating Department of Trade and Industry at Department of Interior and Local Government secretary.

Ang kambal ay unang mga supling ni Korina.

-DINDO M. BALARES