THREE years ago pala dapat ay nasa GMA Network na si Empress Schuck, pero nang magsimula na siya roon, saka naman siya nagkaroon ng unplanned pregnancy, kaya wala rin siyang nagawa kundi huminto muna.

Empress copy

Ngayon, she’s back sa GMA Network.

“Freelancer po naman ako, kaya puwede akong gumawa ng projects sa dalawang network,” sabi ni Empress. “Happy ako nang after ng Asintado ko sa ABS-CBN dumating ang offer ng GMA at ito ngang Hiram Na Anak ang ginagawa namin nina Yasmien Kurdi, Dion Ignacio, Lauren Young at Paolo Contis.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero bago iyon, nag-guest muna si Empress sa top rating Afternoon Prime na pinagbibidahan ni Ken Chan, sa My Special Tatay, bilang ang young Lilet as Isay.

Hindi ba siya nahihirapan sa tapings lalo na at medyo malayo ang location nila?

“Hindi po naman, kailangan ko lamang gumising nang maaga para hindi ako ma-traffic going to Angeles, Pampanga,” sabi ni Empress.

“Medyo okey na ang baby namin, si Athalia, dahil three years old na rin siya at pumapasok na sa toddler class. Mayroon akong yaya at isang relative na nakatira sa bahay para may kasama sila kapag wala ako o ang daddy niya. Minsan naman, free ang schedule ng daddy niya kaya sila ang magkakasama sa bahay kapag may taping ako. Masarap nang laruin si Athalia.”

After giving birth nga raw kay Athalia, ang anak na ang naging priority ni Empress na siyang nagbibigay ng saya sa family nila.

Sa Hiram Na Anak, si Empress ay si Wena, a doting yet naive department store saleslady who falls for Benjo (Paolo). Magkakaanak sila pero hindi matanggap ni Wena na may isa pa silang kasama sa bahay, si Dessa (Lauren) na girlfriend din ni Benjo.

“Palaban po si Wena, at siya ba ang ina ng magiging anak nina Miren (Yasmien) at Adrian (Dion)?

Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., mapapanood na sa Lunes, Pebrero 25, ang Hiram Na Anak sa morning slot, 11:15AM, bago ang Eat Bulaga sa GMA 7.

-Nora V. Calderon