GUGUNITAIN ang EDSA People Power Revolution Anniversary sa Pebrero 25 sa pagsasagawa ng isang makabuluhang chess tournament na tinampukang Bulacan Training Tournament 2019 na sa gaganapin sa Barangay Saluysoy Center, Meycauayan City, Bulacan.

Ayon kay tournament organizer at national arbiter Richard dela Cruz, isinagawa ang two division tournament (group A 2150 and below at group B 1850 and below) bilang pag-gunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Kabilang sa mga lalahok ay sina Genghis Katipunan Imperial, Lloyd Rubio, Israel “Ice” Landicho, Michael Linde, Von Isaac Atayde at Victor “Bong” Anas.

Ang iba pang woodpushers na lalahok sa one-day event na inorganisa ng Meycauayan Chess Club at Bulacan Chess Association sa pakikipagtulungan ng bagong tatag na Novelty Chess Club Bulacan sa magiting na pamumuno ni sportsman Sonsea Agonoy at ng San Jose Del Monte Woodpusher Society ay sina Jhulo Goloran, Marc Benedict Caleon, Jelaine Adriano, Cleian Keith Del Rosario, Eduardo Herrera, Ricky Echala at Earl Lance Montion.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Group A division, bukas sa lahat ng manlalaro, may titulo man o wala na ang NCFP rating base sa January 2019 ay hindi lalagpas sa 2150 ang kanilang rapid rating kung saan ay P5,000 at medal ang maiuuwi ng magkakampeon.

Habang sa Group B division kung saan ang kanilang rating naman ay hindi lalagpas sa 1850 ay nakataya naman ang P2,500 at medal sa magkakampeon. Ang registration fee ay para sa Group A ay P350 habang sa Group B naman ay P250 habang less P50 sa Female, Elementary Student, Senior Citizen at PWD player.

Makipag-ugnayan kay NA Richard Dela Cruz- 0997-5292706 – Deputy Chief Arbiter at Victor “Bong” Anas – 09434664552 – Tournament Director para sa dagdag detalye.