Pinag-aaralan ng Department of Education ang panukala ng Department of Health na magpatupad ng “no vaccination, no enrolment” policy sa mga pampublikong paaralan, kaugnay ng patuloy na pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa.

MB, file

MB, file

Kaagad namang nilinaw ni Education Secretary Leonor Briones na ang mga karapatan ng mga mag-aaral ang pangunahin nilang ikokonsidera sa gagawin nilang pag-aaral sa naturang panukala.

“As much as there is a growing need to reinvigorate the campaign for the importance of vaccination, the proposed policy must take into consideration the human rights of learners, especially their access to quality basic education,” saad sa pahayag ng kalihim.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

“While DepEd is looking into different ways to regain the confidence of parents in immunization, the agency has made commitments with DoH in ensuring that the learners are protected,” dagdag niya.

Sakali naman aniyang tuluyan na ngang maipatupad ang naturang polisiya, tiniyak ni Briones na magtatakda ng ilang panuntunan ang DepEd para rito.

Kabilang sa mga nasabing panuntunan ang pagbibigay ng consent form at evaluation form, na magka- categorize sa mga mag-aaral bilang “vaccinated”, “doubtful”, at “not vaccinated.”

Kailangan ring beripikahin ang school records at vaccination cards, mangalap at magbahagi ng mga datos sa bilang ng mga batang tinigdas na, makipag-ugnayan sa mga health center staff sa mga mag-aaral na absent, at sa mga magulang na hindi pumayag sa pagbabakuna.

Una nang nagdeklara ng measles outbreak ang DoH sa Metro Manila at ilan pang rehiyon sa bansa.

Kaugnay nito, nagdeklara na ng state of calamity si Cavite Gov. Jesus Crispin Remulla dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng tigdas sa lalawigan.

Sinabi ngayong Sabado ni Dr. Nelson Soriano, Cavite provincial epidemiologist, na batay sa updated report, siyam na katao na ang nasawi sa tigdas, habang 424 ang kabuuang kaso ng tigdas sa probinsiya.

Mary Ann Santiago at Anthony Giron