Pinayuhan ng Department of Labor and Employment ang mga Pinoy na overseas jobseeker na huwag umasa sa social media sa pag-a-apply ng trabaho.

DOLE

Ito ang reaksiyon ni Task Force Head Against Illegal Recruitment DOLE Undersecretary Jacinto Paras sa isinagawang pulong balitaan ngayong Biyernes.

“Do not rely on Facebook, marami kasi ngayon ang unscrupulously nangongopya ng logo sa legal na recruitment agency. Kung may nakita kayo na work, puntahan n’yo na lang directly sa opisina,” aniya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Tinukoy ni Paras ang sinapit ng 19 na kataong nagreklamo sa DoLE matapos na mabiktima ng illegal recruitment at human trafficking.

Pinangakuan umano sila ng isang recruiter na makapagtrabaho ang mga ito sa Palau, China at New Zealand at may malaki pang suweldo.

Kinumpirma rin ng opisyal na walang lisensya sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang recruiter na nakilalang si Cindy Cabalhin Lapura upang makapag-operate ng recruitment agency.

Inihahanda na ng DoLE ang kasong large scale illegal recruitment laban suspek.

-Erma Edera