SA isang post ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram Story, inamin na niyang espesyal sa kanya si Arjo Atayde.

Maine at Arjo

“Maine posted this on her highlight IG stories! Those narrow minded cannot get this. But definitely this is her way of saying silently: ‘Hey this is US’. #aldub #aldubnation CANNOT STOP these two anymore,” ito ang nakita naming post ng taga-MAC Cosmetics PH nitong Miyerkules.

“When the power of love overcomes. The love of power, the world will know peace. #aldub #arjoatayde #mainemendoza #inlove #couple #couples #couplesgoals #mac #maccosmetics #maccosmetic #maccosmeticsph.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi malinaw kung pictorial nina Arjo at Maine para sa nasabing cosmetics brand ang picture na ipinost ng dalaga, dahil MAC ang backdraft nila.

Pero hindi pa rin matanggap ng ilang loyalistang supporters ng AlDub nina Maine at Alden Richards ang ipinost na ito ni Maine. May mga nagsabi na edited daw ang nasabing photo. Sinong nag-edit?

Ang mismong dalaga na ang nag-post sa kanyang IG Stories, kaya iisa lang ang ibig sabihin, sila na ni Arjo. Kailangan pa bang i-memorize ito?

May AlDub din na nagsabi na hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na sina Maine at Alden pa rin sa huli, hanggang suot daw ng dalaga ang singsing, na hindi namin alam kung anong singsing iyon.

Baka naman kasi para lang iyon sa love team nila, at hindi pa naman ito nabubuwag. Iba ang ka-love team sa isinisigaw ng puso.

Anyway, trending sa social media ang litratong ito nina Arjo at Maine, at maraming positibong komento kaming nabasa. Naririnig din namin na pinagkukuwentuhan ito, kaya unti-unti ay marami na ring nakatatanggap sa ArMaine.

May nabasa kami na 2013 pa pala ay nagparamdam na si Maine na crush niya si Arjo, at ng mga panahong iyon ay iilan palang ang projects ng aktor. Last quarter ng 2018 nang nagkalapit ang loob ng dalawa.

Who would think na pagkalipas ng limang taon ay natupad na ang pangarap ni Maine?

Naalala tuloy namin si Leyte 4th District Congresswoman Lucy Torres-Gomez na kaagad na umamin na childhood crush niya ang napangasawang si Richard Gomez.

-REGGEE BONOAN