MAS bumagay kay Yasmien Kurdi ang pagbaba ng timbang niya dahil pinagsabay niya ang studies at pagte-taping ng bago niyang teleserye. Noong una kasi, after ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nag-decide si Yasmien na huwag munang tumanggap ng bagong project dahil matagal din bago natapos ang serye, at gusto muna niyang magpahinga at ituloy ang studies niya para magtapos bilang teacher.

Yasmien copy

“Pero hindi ko po natanggihan nang ibigay nila sa akin itong Hiram Na Anak,” sabi ni Yasmien sa media conference ng serye. “Tungkol muli sa anak at malapit sa puso ko ang mga ganitong story, kaya pumayag akong gawin ito. Bago rin ang mga kasama ko rito at balik-tambalan kami ng co-StarStruck batch 1 kong si Dion Ignacio, after 10 years, at si Director Gil Tejada Jr. muli ang nagha-handle.

“Pero ang isa ko pang ikinape-pressure ay dahil first time kong gagawa ng teleserye para sa morning slot. Mapapanood kami at 11:30 am, bago ang Eat Bulaga, starting on Monday, February 25. Nasanay kasi ako sa afternoon primetime ng GMA, pero okay lang, kahit saang slot, kapag maganda ang project, papanoorin ito ng mga televiewers.”

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Batay sa full-trailer na ipinakita noong mediacon, punumpuno ng drama, pisikalan at magagandang dialogues ang serye na nagtampok din kina Paolo Contis, Lauren Young, Empress Shuck, Rita Avila, Vaness del Moral, Sef Cadayona, Maey Bautista at ang mahusay na child star na si Leanne Bautista. Head writer ng serye si Gina Marissa Tagasa.

Samantala, after niyang maisumite ang kanyang thesis at makapasa, inaasikaso na rin ni Yasmien ang ilan pang isa-submit na requirements para sa graduation nila sa April 6, 2019 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Naipa-block-off na rin ni Yasmien ang graduation date nila dahil kapag Saturday ay may taping sila ng Hiram Na Anak. Sa Angeles, Pampanga ang location set ng serye.

-NORA V. CALDERON