PATI si Ogie Alcasid ay nagalit na sa bashers na umaaway sa asawang si Regine Velasquez dahil lang sa pumayag itong kantahin ni Morisette Amon ang song ni Regine na Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Balak kasing i-record ni Morisette ang naturang kanta.

Ogie at Morisette

Nagalit kay Morisette ang fans ni Regine at sinabihan siyang, “Hey @itsMorisette, hini mo man lang tinanggihan si Queen Regine nung ine-echos ka niyang iyo na ang kanta. Mahadera ka kasi! Feeling mo talaga... starlet ka lang! NEVER MO MARARATING kahit ¼ ng achievements ni Regine or Sarah man. MAGKA-HIT song ka muna ulit! Kagigil ka!”

Nag-init din ang ulo ni Regine sa basher na ito ni Morisette.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Guys what’s wrong with me giving the song to her??? That song will always be mine but the truth is hindi ko naman mare-record ‘yun at wala na akong magagawa du’n. Ba’t ba mas marunong pa kayo sakin?”

Sinundan pa ito ni Regine ng, “I want her to record th song so the new generation will know the song. It will have a new life. She will definetly own it siyempre because that’s what we do. Ako ‘pag kumakanta ng songs ng ibang tao hindi naman sila nagre-react ng ganyan. I happen to love this girl because I think she is so talented. Utang na loob wag OA!!! At pwede wag n’yo ko sabihan na nabubwisit kayo sakin dahil binigay ko ‘yung song. Hindi ako ang may-ari ng song. Songwriter ang may karapatan du’n I’m just an interpreter. Besides my body of work is MY BODY OF WORK I don’t need you to protect that coz that’s finished already. Umiinit uko ko sa inyo. Ang pinaka ayoko ‘yung napapahiya sa kagagawan ng ibang tao!!!”

Nag-post naman si Morisette ng pasasalamat sa Asia’s Songbird: “Forever humbled by you Ms @reginevalcasid, you had and will always have much of my love and respect. Maraming salamat po sa bawat pagkakataong matupad ang pangarap kong makasama’t maka-duet ka, at sa pagbahagi mo sakin ng parte ng puso mo.”

Ayun, hindi na nakatiis si Ogie at nag-tweet ing, “Sino na naman ang umaapi sa asawa ko? Ako harapin nyo” at “You do not hurt or “bash” someone you claim to love. It just doesn’t make sense.”

-Nitz Miralles