Kaalaman sa anti-doping rules, sentro ng PHINADO at SEARADO seminars/meeting
RESPONSIBILIDAD ng mga coach, officials at mismong mga atleta na pag-aralan at suriin ang mga nilalaman ng medisina, food supplement at energy drinks bago mahuli ang pagsisisi.
“Lahat tayo responsibilidad natin ito dahil isang pagkakamali malaking kasiraan para sa atleta,” pahayag ni Dr. Alejandro Pineda, project director ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHINADO).
“On our part since the formation of PHINADO in 1991 we’re already conduct seminars and trainings for information dissemination. Kailangan talaga continue ‘yung pag-aaral regarding sa doping dahil every year nadadagdagan ‘yung mga drugs na ipinagbabawal ng World Anti- Doping Association,” sambit ni Dr. Alejandro.
S a pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commision (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, isinagawa ng PHINADO ang Doping Control Officer Training Course simula kahapon, gayundin ang Board meeting kasama ang mga kinatawan ng WADA at Southeast Asian Region Anti-Doping Organization (SEARADO).
“For more awareness in the issues and regulations of doping control in sports,” pahayag ni Alehandro.
Iginiit ni Ramirez ang kahalagan ng PHINADO upang maturuan at mapaalalahan ang mga atleta, officials at coach sa masamang epekto ng kakulangan sa edukasyon hingil sa anti-doping regulation.
Ilang Pinoy athletes na rin ang nasabit sa isyu ng doping, kabilang si basketball star Kiefer Ravena na napatawan ng six-month ban ng FIBA (International Basketball Federation) matapos magpositibo sa ipinagbabawal na medisina na napagalamang nakuha niya sa ininom na energy drinks.
“We really need to educate our athletes and coaches. Marming energy drinks ang available over the counter. Huwag magkumpiyansa basahin angnutrition facts sa lavel. Better, never take anything na hindi prescribed ng doctors and nutritionists,” pahayag ni Ramirez.
“We spent millions on building new sports centers, funding sports associations program. But the issue in anti-doping is also an important part in sports development. Meron naman tayong pondo, palakasin natin ang programa dyan. We support PHINADO’s effort,” pahayag ni Ramirez.
Sa isinagawang media fellowship nitong Martes, ipinahayag ni SEARADO Director General Gobinathan Nair, ang kahalagahan ng training seminars upang maihanda ang PHINADO sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.
Nasa bansa rin para maging resource speakers sa tatlong araw na training seminars sina Kazuhiro Hayashi, World Anti-Doping Association Director for Asia and Oceania; Director for Program Development and NADO/RADO Relations Tom May, SEARADO Chairman Patrick Goh, at Filipino Sports Medicine specialist Dr. Jose Raul Canlas.
Mahigit 20 doktor, nurse at individual na may kinalaman sa aspetong medical ang nakibahagi sa Doping Control Officer Training Course
-Edwin G. Rollon