Nasa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na sinasabing drug supplier sa isang apartment unit sa Taguig City, nitong Miyerkules.

(Rio Leonelle Deluvio)

(kuha ni Rio Leonelle Deluvio)

Nasa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 7 sa Cubao, Quezon City sina Abel Dagadas y Lampak, 34, ng No. 2 Sampaloc Street, Barangay North Signal Village, Taguig City; Usay Uting y Salisip, 49, ng Kabunatalan, North Cotabato; Larrylyn Azada y Azada, 29, ng No. 2 Sampaloc St., Bgy. North Signal Village; at Jacqueline Dapitan y Azada, 52, ng Bgy. Pantalan, Batangas City.

Sa press briefing, iniharap ni National Capital Region Police Office (NCRPO)

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Regional Director Guillermo Eleazar sa mga mamamahayag ang mga suspek at ang bultu-bultong shabu na nasamsam ng mga pulis sa loob ng apartment unit na matatagpuan sa No. 2 Sampaloc St., Bgy. Central Signal sa nasabing lungsod, dakong 8:25 ng gabi.

Sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), QCPD-S7 at Taguig City Police laban sa isang alyas Hiver at mga suspek sa lugar.

Binentahan umano ang poseur-buyer ng P2,000 halaga ng shabu, na sanhi ng pagkakaaresto ng mga suspek.

Nasamsam ang 11 malaking pakete at isang medium pack ng umano’y shabu, na may timbang na 1 kilo at nagkakahalaga ng P6.8 milyon; P2,000 marked money; anim na cell phone; P10,000 cash na drug money; isang digital weighing scale; itim na pouch na naglalaman ng assorted drug paraphernalia; isang bungkos ng hindi pa gamit na plastic sachet; at isang pouch multi color.

Unang natanggap na impormasyon ng QCPD-Station 7 ang pinagtataguan ng mga suspek at dito umano nanggagaling ang mga shabu na isinu-supply sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Eleazar, bukod sa Cubao area, posibleng drug supplier din ang mga suspek sa iba pang lugar.

Nahaharap ang mga suspek sa kaso sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Bella Gamotea