SINORPRESA ng American singer, songwriter at actress na si Ariana Grande ang Pinoy trio singers, ang TNT Boys, sa isang episode ng American talk show na The Late Late Show With James Corden.

TNT Boys at Ariana

Binubuo nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion, ipinakilala ng host ng show na si James Corden, ang trio “(as) one of my absolute favorite acts from the show.”

Isipin pa na host din si James ng reality global talent competition television series na The World’s Best na sinalihan ng TNT Boys para maging kinatawan ng Pilipinas.

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

Sa unang episode ay inawit ng young singers ang Listen ni Beyonce at nakatanggap sila ng 99 points out of 100 mula sa mga hurado.

Kinanta naman ng TNT Boys ang And I Am Telling You sa The Late Late Show With James Corden, at sa kalagitnaan ng kanilang performance ay biglang umakyat si Ariana sa entablado at sumabay sa kanilang pagkanta.

Sa kabila ng pagkabigla at tuwa, ipinagpatuloy pa rin ng young artists ang pag-awit at natapos nila ang kanta nang maayos.

Nag-bow pa nga si Ariana sa tatlo pagkatapos nilang ibirit

ang huling parte ng kanta.

Niyakap naman ng American singer ang TNT Boys pagkatapos ng kanilang performance.

“I’m obsessed with you guys. You guys are so incredible. That was so beautiful,” sabi ni Ariana kina Keifer, Mackie, at Francis.

-STEPHANIE MAE BERNARDINO