KAKASAHAN ni dating WBC International minimumweight champion Lito Dante ng Pilipinas ang walang talong si OPBF miniflyweight champion Tsubasa Koura sa Marso 31 sa Yokohama, Japan.

Ikalawang sunod na laban ito ni Dante sa Japan makaraang magwagi sa 10-round split decision kay Naoya Haruguchi noong nakaraang Setyembre 30 sa lalawigan ng Kagoshima.

Dalawang beses nilabanan at natalo si Dante kay WBO minimumweight champion Vic Saludar na isa ring Pilipino, pinakahuli noong Disyembre 23, 2017 sa Naga City, Camarines Sur bago ito naging kampeong pandaigdig.

Bagamat nanalo sa kanyang huling laban sa Japan, inaasahang mahihirapan si Dante kay Koura na knockout artist at may kartadang perpektong 14 panalo, 9 sa pamamagitan ng knockouts.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

May kartada si Dante na 15-10-4 win-loss-draw na may 7 pagwawagi sa knockouts at umaasang lilikha ng upset upang maagaw ang world rankings ni Koura na nakalistang No. 8 contender sa WBA at No. 9 sa WBO.

-Gilbert Espeña