TAGUMPAY ang isinagawang PVF-Tanduay Athletics Under 18 Boys and Girls Volleyball Championships na pinagbidahan ng University of the Cordilleras of Baguio City at Balanga Volleyball Club of Bataan nitong weekend sa Tanduay Athletics Volleyball Center (dating Cantada Center) sa Taguig City.

IPINAGKALOOB ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada (ikalawa mula sa kanan) ang mga premyo sa mga miyembro ng University of Cordilleras matapos tanghaling kampeon sa PVF-Tanduay Athletics Under-18 volleyball championships.

IPINAGKALOOB ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada (ikalawa mula sa kanan) ang mga premyo sa mga miyembro ng University of Cordilleras matapos tanghaling kampeon sa PVF-Tanduay Athletics Under-18 volleyball championships.

Ginapi ng Cordilleras spikers ang La Salle Antipolo para makamit ang kampeonato sa girls division, habang dinaig ng Bataan ang Muntinlupa Volleyball Club sa boys class finals sa torneo na bahagi ng grassroots development program ng Philippine Volleyball Federation sa pangangasiwa nina PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada at PVF chairman Mikey Arroyo sa pakikipagtulungan ng Tanduay Athletics at sportsman Lucio ‘Bong’ Tan, Jr.

Ang torneo ay nilahukan ng mga koponan mula sa Lucban at Infanta, Quezon; Baguio City; Balanga, Bataan; San Jose del Monte, Bulacan; Santa Rosa, Laguna; Dasmaiiñas, Bacoor, GMA, Cavite; Muntinlupa, Antipolo; Mandaluyong; Parañaque; at Pasig.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagsilbing opsiyal ang mga PVF-trained officials mula sa Pangasinan, Quezon, Nueva Ecija, Bataan and Taguig.

Tulad sa mga nakalipas na torneo, libre ang partisipasyon at naglaan ng masaganang salo-salo ang Cantada family, sa pangangasiwa ni Tita Tonette.

“It certainly gives me and my family an immense sense of fulfillment. At the end of the day, we go home very tired but yet, ready, once more, for the next one,” pahayag ni Cantada.

“This is volleyball grassroots development at its very best. Sports authorities and others like DepEd continue to ignore what we do. I give balls and nets to the marginalized school children in DelEd schools NOT to DepEd who could not provide these. If the sports authorities continue to ignore us for “political” and other reasons, I will also ignore them and just continue the advocacy I have long started with the PVF and in my lifetime,” aniya.