PINANGUNAHAN ni Sgt. Alvin Benosa ng Philippine Army-Bicycology Shop ang 40Km main event ng 7-Eleven Trail 2019, habang nanguna ang multi-titled internationalist na si Ariana Dormitorio sa 40Km female class nitong Linggo sa Timberland Heights sa San Mateo, Rizal.

DINAGSA ng mga elite riders at cycling enthusiast ang ginanap na 7-Eleven Trail 2019 nitong weekend sa Timberland Heights sa San Mateo, Rizal.

DINAGSA ng mga elite riders at cycling enthusiast ang ginanap na 7-Eleven Trail 2019 nitong weekend sa Timberland Heights sa San Mateo, Rizal.

Kipkip ang malawak na karanasan bilang dating miyembro ng MTB National Team, naisumite ng 38- anyos na si Benosa ang tyempong isang oras, at 50:08 minuto para gapiin ang batang karibal na si Archie Duran (1:51:28) at teen-ager na si Jericho Rivera (1:55:17).

“Malalakas ang mga kalaban, mga bata pa. Buti nakapagensayo ng maganda kaya nadale pa rin,” pahayag ni Benosa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa edad na 22-anyos, si Dormitorio ang itinuturing na top female rider sa bansa. Ngunit, matinding hamon din ang sinuong niya para malagpasan ang lakas nang 17-anyos na si Nicole Quinones at beterana ring si Melissa Jane Jaroda.

“Hindi ko na pinaporma. Nang makita kong malalakas bumirit, hindi na ko numitaw sa unahan,” sambit ng Asian Games veteran na naorasan ng dalawang oras at 17:22 minuto.

Naisumite ni Quinones ang 2:24:52, habang tersera si Jaroda sa 2:24:52.

Sa iba pang resulta, narito ang top 3 ng kani-kanilang division: Cailh Jeron Mariano (1:50:20), Christian Polintan Carlos (1:50:21) at Genesis Orozco (1:59:29) sa men’s 30KM; Emily Bagaso (2:25:18), Veronica Maglapuz (2:37:26) at Lwahna Mavecka Montanes (2:45:08) sa women’s 30Km

Ayon sa organizer, ang top overall ay ipadadala sa Barcelona, Spain upang sumabak sa Red Bull Holy Bike competition sa Mayo 24-26.

Mahigit 3,000 siklista ang nakibahagi sa programang 7-Eleven Trail na ginanap sa ika-anim na edisyon.

“One of the improvements is the new 1.5KM that we included right after the steep road climbs,” pahayag ni Philippine Seven Corporation President & CEO Jose Victor Paterno, tumapos sa ikalawang puwesto sa 40KM male 50- above division. “We also added new trail features and made numerous trail improvements for the first 5KM of the course.”

Bukod sa matatarik na ruta, tunay na mapaghamon ang distansiya na binubuo ng road climbs (10%), fire road (30%), at single-track (60%).

Ang torneo ay kontribusyon ng 7-Eleven sa panawagan para sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, gayundin sa pangangalaga sa kalikasan.

Para sa patuloy na makakuha ng impormasyon sa mga susunod na programa ng 7-Eleven, sundan ang facebook.com/711philippines/ at para sa dagdag na impormasyon at resulta ng karera, buksan ang facebook.com/trail711/.