HATAW ang Team Joola sa isa pang dominanteng laro para bokyain ang Philippine Army, 3-0, nitong Sabado para makasikwat ng semifinal slots sa Men’s Team Open division ng 9th Flexible Cup International Table Tennis Championships sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

IBINALIK ni Philip Uy ng Team Joola ang tira sa pamatay na super loop shot sa kanyang laro sa in 50-over class ng 9th Flexible Cup Table Tennis International Championships kahapon sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

IBINALIK ni Philip Uy ng Team Joola ang tira sa pamatay na super loop shot sa kanyang laro sa in 50-over class ng 9th Flexible Cup Table Tennis International Championships kahapon sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

Naisalba ni World Championships of Pingpong campaigner John Russell Misal ang kabiguan sa unang set para magapi si George Quijano, 8-11, 11-8, 11-7, 11-9, at sandigan ang dominasyon ng Team Joola sa torneo na inorganisa ng Table Tennis Association for National Development (TATAND) sa pagtataguyod ng Flexible Packaging Corporation.

Nauna rito, ginapi ni Chinese import Chen Lei Xin si Kim Ramos, 11-6, 11-6, 11-6; habang walang hirap si Alexis Bolante via walk over kontra Homer Tiongson para makausad ang Team Joola sa semifinals kasama ang Indonesia, Hua Ching at University of Taipei.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginapi ng Indonesia, binubuo nina Zahru Nailufar, Bima Abdi Negara at Luki Purkani, ang Malaysia, 3-0.

Pinangunahan naman nina National team members Richard Gonzales at Jann Mari Nayre ang Hua Ching sa 3-0 panalo kontra Jade Dragon, habang nabokya ng University of Taipei, binubuo nina Huang Yu-Jen, Chen Chun-Hsiang at Sung Min-Hong, ang Green Paddle, 3-0.

Naunang pinadapa ng Team Joola, kasama rin sina Jong “The Asian Killer” Ortalla, Charlie Lim at Philip Uy, ang Malaysia (3-1), Fleet Marine (3-0) at University of Santo Tomas (3-0) sa first round para makausad sa quarterfinal slot.

Sa men’s Open singles event, naungusan ni Malaysian Chin Wen Jei si erwin Edel ng Salle, 3-1,para maisaayos ang second-round showdown kay Homer Tiongson of Philippine Army. Pinataob ni Tiongson si University of Santo Tomas bet Ramon Gomez, 3-2.

Mahigit 400 players ang sumabak sa six-division tournament na may nakalaang P50,000 para sa team champion habang may tig-P10,000 para sa men’s singles at women’s singles winners. Ang mangungunang players sa kani-kanilang division ay awtomatikong maisasama sa delegasyon ng Pilipinas para sa China for Sports Exchange program ng TATAND, ayon kay TATAND honorary president Charlie Lim.