CAMP OLA, Albay – Bangkay na nang matagpuan ang assistant provincial officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Camarines Norte, nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay PDEA Bicol regional director Christian Frivaldo, unang iniulat na nawawala si Agent Enrico Barba nitong Pebrero 17, matapos na makipagkita sa isang informant sa Daet, Camarines Norte hinggil sa drug activities sa lugar.
"His mission was fully documented and disclosed to his Provincial Officer Agent Vidal Bacolod who relayed the same to the regional director," sabi ni Frivaldo.
Ayon kay Frivaldo, ang bangkay ni Barba ay natagpuan sa Lupi, Camarines Sur nitong Pebrero 18, dakong 8:00 ng gabi.
"His body bore several gunshot wounds all fatal in the face and body indicative of ruthlessness. He also had contusions in the frontal body and head trauma as
indicated in the initial autopsy of thr first responder," aniya.
Sa report, isang lalaki ang natagpuang patay sa isang kanal sa Barangay
Napolidan, Lupi sa Camarines Sur nitong Pebrero 18, bandang 10:00 ng umaga.
Nakagapos umano ang mga kamay at nilagyan ng packaging tape ang bibig.
Natagpuan din sa bulsa ng biktima ang isang cardboard na may nakasulat na "Wag tularan, tulak ako".
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang PNP at NBI upang matukoy ang mga suspek.
"Our regional office will work fully with our counterparts to identify the perpetratorscof this cowardly act which is considered as an attack and affront to the anti-drug endeavor of Bicol region. We will not be moved by this incident as we will escalate our effort to give justice to our fallen comrade, a good father to his children and a loving husband to his wife," dagdag ni Frivaldo.
-Niño N. Luces