DAHIL ipino-promote niya ang pelikulang Familia Blondina, inaakusahan tuloy si Marco Gallo na ginagamit ang ugnayan niya kay Juliana Gomez, anak ng aktor na si Richard Gomez kay Leyte Congresswoman Lucy Torres, sa promo ng kanilang movie na ipalalabas na sa February 27.

Juliana at Marco

“Wala naman pong ganu’n,” bungad ng Fil-Italian bagets star, na produkto ng Pinoy Big Brother Teens.

Sa halip, nakiusap siya sa mga tao na huwag siyang husgahan at huwag idamay ang ibang tao.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Sa tingin ko naman po, sa mga nagsasabi ng ganun, siguro po, kilalanin po muna natin ang mga tao at kung anong pinagdaanan nila,” kampanteng sagot ni Marco sa presscon ng Familia Blondina nitong Linggo, sa Racks restaurant sa Timog Avenue.

Dinepensahan din niya ang unica hija nina Goma at Lucy.

“And I don’t find a reason to use that, because she’s not even in showbiz. And she’s been so nice to me, so why should I user her? Parang ganun.

“I mean, she gave me her friendship and that’s important. That’s such a big thing, na hindi lahat ng tao, ang ibinibigay ngayon, hindi mo alam kung totoo sila sa ‘yo o hindi ba.

“So, I’m happy that I can trust her. Parang ganun.”

Nilinaw ni Marco na magkaibigan pa rin sila ni Juliana. Wala raw isyu ng break-up, kaya there’s nothing to reconcile between them.

“Hindi naman po kami nag-away. Friends po naman kami,” mariing pahayag ng young actor.

“I mean, even when we broke up, it was a friend thing. We were happy happy about it. Kasi, that’s life. Go on! Move on!”

Naalala tuloy ng ilang press ang nakaraang selebrasyon ng Valentine’s Day, kung may naalala ba siyang niregaluhan o pinadalhan man lang ng flowers?

“Nanay ko. Binigyan ko ng ice cream! Kasi, late na ako dumating! Kaya binilhan ko na lang siya ng ice cream. Eh tulog, nagalit pa! Ginising ko! Ha! Ha! Ha!”

Sa Pebrero 27 ipalalabas ang Familia Blondina, na pinagbibidahan nina Karla Estrada, Jobert Austria, Kira Balinger, Chantal Videla, Heaven Peralejo, Awra Briguela, at ang It’s Showtime “Mini-Me” champion na si Xia Vigor, sa direksiyon ni Jerry Sineneng.

-ADOR V. SALUTA