MULING nagharap ang magkaribal na De La Salle University at Ateneo. At tulad sa nakalipas na tatlong season, angat ang Lady Spikers.

BIGAY todo ang hataw ng Ateneo spiker laban sa La Salle sa kaagahan ng kanilang laro nitong Linggo sa UAAP women’s volleyball tournament sa MOA Arena.

BIGAY todo ang hataw ng Ateneo spiker laban sa La Salle sa kaagahan ng kanilang laro nitong Linggo sa UAAP women’s volleyball tournament sa MOA Arena.

Ginapi ng three-time defending champion ang Katipunan-based rivals sa larong inilarawan ni coach Ramil de Jesus na resulta nang mahabang pahinga at pagsasanay, 25-14, 25-17, 16-25, 25-19, nitong Linggo sa pagsisimula ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa MOA Arena.

“Element of surprised,” sambit ni De Jesus, patungkol sa hindi paglahok ng La Salle sa pre-season tournament.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Mayroon siguro. Malaking advantage ‘yun na wala silang idea sa team namin kung sino ang starter, ano ang position, kung anong klase ng set play ang nangyayari sa team na pina-practice namin,” aniya.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng La Salle sa head-to-head duel kontra Ateneo mula noong Season 79 Finals.

Hindi na nakalaro sa DLSU ang tatlong key players na sina Kim Kianna Dy, dating MVP Majoy Baron at libero Dawn Macandili bunsod ng graduation sa nakalipas na season, habang umakyat naman sa pro-league sina Gyra Barroga at Arriane Layug.

Sa kabila ng pagbabago, nanatiling matatag ang programa ni De Jesus at muling pinatunayan ang impresibong sistema na nakalikha na nang 11 titulo sa nakalipas na dalawang dekada.

Hataw ang beteranong si Des Cheng sa naiskor na 13 puntos, habang kumana ang rookie na si Jolina Dela Cruz at fourth year player May Luna ng tig-11 puntos.