“FEELING ko, it’s God perfect time para maipalabas na ‘tong movie namin (Familia Blondina). Excited na ako kasi palabas na sa Feb. 27 at wala na akong masasabi pa kasi nakakatawa ‘yung movie. Hindi naman tatawa ka lang ng tatawa sa movie baka naman ikasira lang ng ulo natin pauwi, basta panoorin n’yo,” masayang sabi ni Karla Estrada sa ginanap na mediacon nitong Linggo sa Rack’s.

Cast ng 'Familia Blondina'

May lima o anim na buwan na nang mag-set visit kami sa shooting ng pelikula sa Bulacan at base sa napanood naming ilang eksena ay nakakatawa talaga, kasi nga puro blond ang buhok ng mga anak ni Karla na tinaguriang Comedy Momshie.

Ex-husband ni Karla sa pelikula ay Amerikano kaya mga English speaking sila, kalaunan ay naging asawa niya si Jobert Austria na ang ex-wife ay puti rin kaya blonde din ang mga anak at hindi rin marunong magtagalog kaya riot ang mga anak nila, ha, ha, ha.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Anyway, medyo relate si Karla sa karakter niya sa Familia Blondina dahil marami silang anak, ang pagkakaiba lang sa tunay na buhay ay pawang Pinoy ang mga ama ng apat niyang anak na sina Daniel (Rommel Padilla), JC (Naldy Padilla), Margaret (non-showbiz guy) at Carmela (Mike Planas).

Hindi makuwento si Karla tungkol sa lovelife niya dahil open book naman daw ito at hangga’t maaari ay ayaw niyang pinag-uusapan pa dahil pawang past na. Ang tanging naibahagi niya ay kaibigan niya ang lahat ng tatay ng mga anak niya.

Daniel (optional_karla story)

Sa sobrang busy ng TV host/actress ay natanong kung may panahon pa ba siya sa mga anak, lalo na kay Daniel na karelasyon si Kathryn Bernardo. Natanong din siya kung anong advice ang maibibigay niya sa panganay pagdating sa buhay pag-ibig.

“Nag-a-advice po ako kasi apat na beses akong nagkamali sa pag-ibig, hindi ko naman sinasabing expert pero bukas ang puso kong magmahal muli. Ang experience ko sa pag-ibig ay parang inako ko naman lahat.

“Kaya nag-a-advice ako, pero hanggang doon lang at hindi ko rin puwedeng ipilit ang gusto ko para masanay siya (Daniel). Mas gusto ko nga na ang aking mga anak ay masawi rin at masaktan kasi feeling ko ‘yung pain na ‘yun ang magpapatatag sa puso nila. Ang sarap kayang may challenge ang buhay mo kasi kung anu’t anuman ang mangyari mawawala ka sa mga depression na sinasabi at anxiety,” kuwento ni Karla.

Muling tinanong si Karla tungkol sa kumalat na tsikang nag-propose na ang anak niya kay Kathryn.

“Well exactly ‘yung mga proposal na ‘yan sa Japan, hindi sila ‘yun. So, nag-assume lang tayo, ‘yung mga nakapanood. Hindi naman big deal at may mga seryosong bagay na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon at ako ang unang makakaalam no’n,” saad ng aktres.

Muling sinabi ni Karla na wala siyang problema kay Kathryn, nakita niya kung gaano kasaya at nag-mature si Daniel at pareho silang nagtulungan sa kani-kanilang career.

“Wala akong puwedeng sabihin na hindi maganda dahil okay sila at kung may hinanakit man ako kina Daniel at Kathryn ay mauuna na ‘yun sa bahay pag-usapan kaysa ikuwento sa ibang tao.

“Hindi tayo puwedeng maglaba ng maruruming damit natin sa social media because wala silang maitutulong lahat kundi makikilaba lang din sila,”paliwanag pa ni Momshie Karla.

Natanong din sa momshie host ang tungkol sa unfollow issue ni Kath kay DJ. “Wala, natawa lang ako kasi things really happen sa magkakarelasyon at maganda naman ‘yun kasi na-explain naman ni Kathryn at hindi naman si Daniel ang nag-unfollow. Hindi big deal ang mga bagay at hindi naman daw niya (Kath) sinasadya kaya hayaan na natin sila sa mga ganu’n-ganu’n nila. Ang importante, ang anak ko nagde-deliver ng maayos sa buhay pag-ibig, sa pamilya niya at lalo na sa buhay niya sa trabaho.”

Samantala, natanong namin ang ina ni Daniel kung sino ang susuportahan nitong kandidado ngayong eleksyon 2019.

“Sa alam ko wala. Kung meron man, tatay niya, si Rommel Padilla,” kaswal na sagot sa amin.

Posibleng manatili raw si Daniel sa Nueva Ecija para tulungan ang ama sa kanyang kandidatura.

Tinanong din namin kung pinapayagan ng Star Magic management ang mga artist nilang mag-endorso ng kandidato.

“Well, hindi ko alam, baka depende kay Daniel kung gusto niya,” saad ng aktres.

Samantala, may kumalat na balitang naniningil daw si Karla ng P1.5M kapag may nag-imbita sa anak.

“Ay hindi totoo ‘yun! Walang ganu’n. Saka ang liit naman no’n,” sabi kaagad ng ina ng aktor.

Mula sa direksiyon ni Jerry Sineneng, mapapanood na ang Familia Blondina sa Pebrero 27 handog ng Arctic Sky at Cinescreen.

Kasama rin sa pelikula sina Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo, Awra Briguela, Kira Balinger, Marco Gallo at Jobert Austria.

-Reggee Bonoan