NAGSAGAWA ng hakbang ang pamunuan ng PBA upang matulungan ang kanilang mga manlalaro na mapangalagaan ang kanilang kalusugan gayundin ang kaisipan.

Sa isinagawang Players’ Orientation sa Meralco Theater noong Biyernes, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na bukas ang kanyang tanggapan sa sinumang manlalaro na nagnanais na mapanatili ang kalusugang mental o “mental health”.

Ayon kay Marcial ang league motto para sa 2019-2020 season ay “Laban kung laban”na hindi lamang tungkol sa basketball kundi sa maging sa kabuuan ng pagkatao ng mga players.

“Our theme ‘Laban kung laban’ ay hindi lamang tungkol sa basketball, kundi maging sa pag-aaral, sa buhay at maging buhay pag-ibig ng mga players “ ani Marcial.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“We will fight with you when you’re depressed so that theme also applies to the players’ mental health.”

Ayon pa kay Marcial ang ginawang Players’ Orientation ay hindi lamang para maturuan ang mga players para panghawakan ang kanilang mga kinikita upang maisigurong maganda ang kanilang kinabukasan, kundi maging kung paano nila ipiprisinta ang kanilang sarili sa publiko partikular sa henerasyon ng mga kabataan na umiidolo sa kanila.

Ang Players’ Orientation ay isang “crash course” para sa mga players kung paano nila hahawakan ang kanilang pera at paano nila ipiprisinta at bibihisan ang sarili sa harap ng publiko.

-Marivic Awitan