MALUGOD na tinanggap ni dating Sen. Nikki Coseteng ang ibinibidang ‘National tryouts’ ng Philippine Swimming, Inc, bilang pagpapakita ng kagustuhan na maisulong ang pagkakaisa sa swimming communit.

INILAHAD ni dating Senator Nikki Coseteng ang mga ‘kasalan’ ng swimming officials ng Philippine Swimming Inc. na siyang dahilan nang kawalan ng development sa sports sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports kasama sina Table Tennis officials Charlie Lim at RP No.1 Russell Misal.

INILAHAD ni dating Senator Nikki Coseteng ang mga ‘kasalan’ ng swimming officials ng Philippine Swimming Inc. na siyang dahilan nang kawalan ng development sa sports sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports kasama sina Table Tennis officials Charlie Lim at RP No.1 Russell Misal.

Ngunit, iginiit ng Mambabatas at chairman ng Philippine Swimming League (PSL) na walang saysay ang pagkakaisa kung mananatili ang kamalian sa PSI at hindi pananagutin ang mga opisyal nito sa mga aksiyon na ginawa laban sa mga atleta at sa sports sa mga nakalipas na taon.

“Makakamit lang ang unity kung may hustisya,” sambit ni Coseteng.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“ibig sabihan ban a dahil open na sila sa idea na National tryouts, papayag na lang ang swimming community na sumali dyan at makiisa. Ilegal ang pamumuno ni (Lani) Velasco in the first place. Hanggang ngayon, hindi pa naliliwanagan ang milyon na pondong nawala sa liderato ni Mark Joseph.

“Walang saysay ang pagkakaisa kung ang mga tiwaling namumuno ay andyan pa rin at hindi naitutuwid ang kamalian sa swimming. Alam naman ni Velasco na ilegal siya, she should step down and let a new personalities handle the swimming affair,” sambit ni Coseteng.

Ang grupo ng mga Olympian na sina Ral Rosario, Pinky Brosas, Akiko Thompson at Eric Buhain ay matagal na ring nakikibaka para maisaayos ang swimming at ang ideya na national tryouts para sa RP team na isasabak sa 3oth Southeast Asian Games ay nagmula sa kanilang hanay.

“Dapat ang National tryouts wala nang ifs and buts, hindi puwedeng bibigyan ng requirement ang mga swimmers para payagan makalangoy,” ayon kay Coseteng.

Sa kabila ng panawagan, nananatili ring pipi’t binge ang pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pamumuno ni Ricky Vargas na hanggang sa ngayon ay sinusuportahan ang liderato ni Velasco ‘kahit likha ito ng ilegal na pamamaraan’, ayon kay Coseteng.

Muling nanawagan si Coseteng sa POC at Philippine Sports Commission (PSC) na umaksiyon at tuldukan ang problema sa swimming upang makamit ng mga atleta ang pantay na pagkakataon.

“Time is fast running out. We have to get our best swimmers together to represent the country in the SEA Games,” pahayag ni Coseteng sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kamakailan sa National Press Club sa Intramuros.

“It is really getting tiring and frustrating. But we cannot let politics rear its ugly head in sports time and again. It is unfair,” pahayag ni Coseteng.

“Kung yun illegal president, tatawag ng tryouts, legal ba yun?,” aniya.

“Unang-una, lahat ng may ginawang katiwalian, dapat kasuhan. Kung mapatunayag may katiwalaan, dapat makulong. King gusto natin magkaroon ng pagkaka-isa, dapat may katarungan.”

“Our top swimmer, Jasmine Modjeh, won six to seven golds in her last tournament. Sya ang No. 1 swimmer natin pero bakit hindi sya kasali sa age-group ng swimming ng SEAG,” sambit ni Coseteng.