IPAGPAPATULOY ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagpapapalakas ng kalidad ng technical and vocational education and training (TVET), pangako ng ahensiya sa isang panayam nitong Biyernes.

Isa sa mga dahilan ng hakbang na ito ay ang pagkilala na natatanggap ng TESDA mula pa noong 2013. Pinakabago sa mga parangal na ito ang Bayan Academy na ibinigay ngayong linggo.

“TESDA received a special recognition from Bayan Academy for the agency’s ‘contribution in building the nation from below through social capital formation’,” pahayag ni TESDA Planning Office executive director, Marissa Legaspi.

Halos isang dekada nang magkatuwang ang dalawang institusyo sa pagkakaloob ng mga programang nagbibigay-benepisyo sa lakas-paggawa ng Pilipino.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bahagi ng partnership ang Bayan Academy technical assistance, sa inisyatibo ng TESDA at ang suporta ng TESDA sa pamamagitan ng scholarship sa mga nagsasanay sa mga programa ng Bayan Academy.

Binigyang-diin ni Legaspi na hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ng mga katuwang nito ang pagsisikap ng TESDA.

Noong 2013, ipinagkaloob sa TESDA ang Partnership of the Industry Award by the Semiconductor and Electronics Industry of the Philippines, Inc. (SEIPI).

“This was in recognition of TESDA’s contributions to the industry in terms of developing the needed manpower through scholarship provision,” ani Legaspi.

Natanggap din ng TESDA ang “JICA President Award for the Project on Rehabilitation and Recovery from Typhoon Yolanda” noong 2018, na kumikilala sa TESDA bilang isa sa mga katuwang ng JICA sa implementasyon ng proyekto upang maisaayos ang mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Yolanda noong 2013.

Noong nakaraang taon, kabilang din ang TESDA sa mga ahensiya na nakatanggap ng Philippine Quality Award (PQA) mula kay President Rodrigo Duterte.

“TESDA was awarded the PQA Level 1- Recognition for Commitment to Quality Management, and was the first to receive such award among education agencies. Together with its ISO 9001:2015 Certification, the PQA is testament to the integrity and quality of TESDA’s TVET programs and its services,” pagmamalaki ni Legaspi.

Sa mga natamong karangalan at pagkilala, sinabi ni Legazpi na mananatili ang TESDA sa pagtulong sa mga Pilipio na iangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng skills training programs.

“The agency is committed to help ensure that TVET graduates will not only be given access to training, but have a job or livelihood. This is the mantra that TESDA will pursue in the coming years,” aniya.

PNA