MAG-INA ang role nina Carmina Villaroel at Barbie Forteza sa Kara Mia, at sa totoong buhay, may something in common talaga sa kanilang dalawa.

Carmina-Villarroel-2

Kung si Barbie ay may takot sa heights, si Carmina naman ay takot pala sa tubig.

Kaya nang mapanood namin ang pilot episode ng Kara Mia na may eksenang nahulog sa ilog sa Mambukal, Bacolod City si Carmina, natanong namin kay Ms. Hazel Abonita, senior program manager, kung paano iyon nagawa ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

“Natakot siya talaga, kaya lang pala niyang lumusong sa swimming pool na hanggang four feet ang lalim,” sagot ni Ms. Hazel.

“Pero real trouper si Carmina; kahit may takot, nanginginig siya talaga, ginawa pa rin niya ang eksena. Doon lang sa medyo mababaw na lugar ng ilog kinunan ito ni Direk Dominic Zapata. Minadali lamang namin ang pagsagip sa kanya.

“Kaya labis ang pasasalamat namin kay Carmina na pumayag siyang gawin iyon kahit takot siya sa tubig.”

Sa serye, si Carmina ay si Aya, a beautiful Manilenya na nagpadpad sa Bacolod. Doon niya na-meet si Arthur (John Estrada), mabait na binatang may-ari ng karinderia. Nagkaibigan sila, nagpakasal at naging anak nila sina Kara (Barbie) at Mia (Mika dela Cruz).

Nang isilang ang kambal sila, hindi ito matanggap ni Aya, pero si Arthur, agad niyang tinanggap ang magkapatid na may Disprosapus or craniofacial duplication: dalawa ang mukha nila, pero isa lang ang katawan nila.

Ngayong Lunes na ang premiere telecast ng Kara Mia, at ipatitikim na sa viewers ang kambal bilang mga young adult, bago nila ibabalik ang simula ng story nina Aya at Arthur at ng iba pang kasama sa cast.

Kabilang din sa cast ng Kara Mia sina Glydel Mercado, Mike Tan, Jak Roberto, Paul Salas, at si Ms. Gina Pareño.

Kaya sabay-sabay tayong sumubaybay sa naiiba at pinakaaabangang serye ng GMA 7, ang Kara Mia, ngayong Lunes ng gabi na, pagkatapos ng 24 Oras.

-NORA V. CALDERON