CALIFORNIA (Reuters) – Hahamunin ng California ang deklarasyon ni President Donald Trump ng national emergency para mapondohan ang U.S.-Mexico border wall, sinabi ni state Attorney General Xavier Becerra nitong Linggo.

“Definitely and imminently,” ani Becerra sa programang “This Week” ng ABC nang tanungin at kung kailan kakasuhan ng California ang Trump administration sa federal court. Inaasahang makikiisa sa pagsisikap ang iba pang estado na kontrolado ng Democrats.

Ginamit ni Trump ang kanyang emergency powers nitong Biyernes sa ilalim ng 1976 law matapos tanggihan ng Congress ang kanyang kahilingan na $5.7 bilyon para sa pagpapatayo ng pader na kanyang ipinangako sa kampanya noong 2016.

Nilalayon ng hakbang na payagan siyang ilipat ang inilaang pera ng Congress sa ibang layunin sa pagtatayo ng pader.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“It’s become clear that this is not an emergency, not only because no one believes it is but because Donald Trump himself has said it’s not,” ani Becerra.