Mga Laro Ngayon

(Paco Arena, Manila)

2 p.m. - UST vs. Batangas-EAC

4 p.m. - SMDC-NU vs. Chadao-FEU

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

APAT pang koponan ang magsisimula ng kanilang kampanya ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League sa Paco Arena sa lungsod ng Manila.

Ang nasabing apat na koponan ay ang magkatunggaling University of Santo Tomas at Batangas-EAC sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon at ang SMDC-NU at Chadao-FEU ganap na 4:00 ng hapon.

Lalaro para sa Tigers sina transferee guard Brent Paraiso at high school star Mark Nonoy at ang Beninese forward na si Soulemane Chabi Yo.

Sila ang inaasahang makakabalikat ng mga beteranong guards na sina Renzo Subido at Marvin Lee para pamunuan ang.

Sasalang ang Batangas-EAC na gagabayan ng bago nilang coach na si Oliver Bunyi kapalit ng dati nilang coach na si Ariel Sison na ibinaba bilang deputy.

Inaasahang mamumuno sa koponan sina Cedric de Joya at Earvin Mendoza kasama sina JP Maguliano at Renzo Tampoc.

-Marivic Awitan