INUNGUSAN ng Adamson University ang University of Santo Tomas sa loob ng limang sets, 33-31, 23-25, 16-25, 25-15, 16-14, sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa men’s division ng UAAP Season 81 volleyball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay.

Nagposte ng 23 puntos si team captain Paolo Pablico upang pangunahan ang naturang panalo ng Falcons.

Naipaghiganti rin ng Falcons ang kabiguan sa kamay ng Tigers noong nakaraang season sa playoff para sa no. 4 spot sa Final Four round.

“Magandang panalo ito sa min, kasi po last year sila ‘yung naglaglag sa amin. Magandang motivation sa amin na makuha ‘yung game against sa kanila,” ani Pablico.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nag-ambag din sa panalo si Leo Miranda na umiskor ng 13 puntos kasunod si Mark Alvarez na may siyam na puntos.

Muli na namang ipinahamask ang Tigers ng sandamakmak nilang errors na umabot ng hanggang 46.

Nagtapos na topscorer para sa Tigers si Joshua Umandal na may 22 puntos kasunod si Manuel Medina na may 16 puntos.

-Marivic Awitan