NASA mood para mag-binge-watching sa Netflix? Highly recommended ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral, na tumatalakay sa makabayang pakikibaka laban sa pananakop ng mga dayuhan sa bansa.

goyo

Sa kanyang pagbisita sa Bulacan nitong Huwebes, hinikayat ng Presidente ang publiko na panoorin sa Netflix ang pelikula tungkol sa batang heneral na si Gregorio del Pilar, at inaming hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya para sa mga pagdurusang dinanas ng mga Pilipino mula sa mga dayuhang mananakop.

Ang historical film, na idinirehe ni Jerrold Tarog, ay nakatuon sa buhay ni Del Pilar at sa mga pangyayaring nauwi sa Battle of Tirad Pass noong 1899, sa panahon ng Filipino-American war. Ang biopic, na sequel ng blockbuster hit na Heneral Luna noong 2015, ay ipinalabas sa mga sinehan noong nakaraang taon at pinagbidahan ni Paulo Avelino.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Biro mo 400 years? Panoorin n’yo ‘yung sa Netflix. ‘Yan sila—ngayon si General Goyo,” sinabi ni Duterte sa proclamation rally ng senatorial ticket ng administrasyon sa Bulacan nitong Huwebes.“Ayaw ko na lang magsalita pero medyo masakit. Nasasaktan ako para sa bayan ko. Maisip ko lang kung anong—anong kahirapan ginawa nila sa Pilipinas,” ani Duterte.

Aniya, kung hindi sinakop ng Spain ang Pilipinas, “no religion” sana sa bansa. Kung hindi tayo sinakop ng mga Amerikano, sinabi niyang wala sanang bahid ng “western culture” ang mga Pilipino.

“The Spaniards stayed in this country for 400 years, the Americans for 50 years and they lived off of the fat of the land at kinuha nila ang magagandang—anong maganda sa bayan natin,” sabi ng Pangulo.

-GENALYN D. KABILING