ANG Amerikanong si Chris Copas ng Kentucky, USA at partner na CPB group (Gov. Claude Baustista) ng Mindanao (CPB and Chris entry) ang solong naghari sa katatapos na "2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby nitong Pebrero 6 sa  makasaysang Smart Araneta Coliseum.

IPINAGKALOOB nina (mula sa kaliwa) Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman, Miss International 2018 First Runner-up Ahtisa Manalo, Binibining Pilipinas Supranational 2018 Jehza Huelar, Mr. Claude Bautista’s representatives Cesar Tan at Alejandro Jochico, Uniprom Inc COO Irene Jose, at  WSC Derby Office head Dong Lamoste ang tropeo sa kampeon ng katatapos na World Slasher Cup.

Ang CPB and Chris entry,  naglaban ng mga manok-panabong na Kelso, Roundhead at Sweaters, na ipinarating sa Mindanao mula sa Amerika dalawang taon na ang nakakaraan, ay nagkamada ng walang bahid na 9-0 kartada upang masolo ang kampeonato.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

 Matapos magsalansan ng 8 puntos, dinaig naman ng CPB & Chris entry ang tinale ni Jomel Gatlabayan upang masiguro ang paghahari.

Kung ito ay nabigo, ang Copas & Chris ay isa pa rin sa hihirangin kampiyon kasama ang entry ni Gatlabayan at isa pang kalahok.

Ang kaibigan ni Copas na si Joe Brown, ang 2018 Araw Ng Davao champ, ay nagsabi na ang pinakamahuhusay na manok-panabong ay nasa Pilipinas na at ang mapanalunan ang "Olympics of Cockfighting" ay pangrap ng lahat ng sabungero.

Isa pang Kano, si Belle Almojera ng Florida kasama si Santi Sierra ng Cebu ay nagtapos naman na may 7.5 puntos.

Ang matagumpay na 2019 World Slasher Cup 1 ay may buong suporta ng Thunderbird, ang brand na naghahandog ng mga de-kalidad na patuka at vet products na siyang subok at pinagtitiwalaan na winning formula ng mga kampiyon sabungero.

Ang Birthday Gift 1 and 2 entries ng Team Alcala, na may walo at pitong puntos, ayos sa pagkakasunod, ay nag-uwi ng runner-up honors.

Naka-tig pitong puntos naman sina Nene Araneta, Biboy Enriquez, cockfight idol Patrick Antonio, Jomel Gatlabayan and RGBA Friends, Jimmy Junsay, Doc Marvin Rocafort at Cris/Paolo Mercado.