Kapag napabayaan, maaaring magdulot ng mga seryosong kumplikasyon ang tigdas, ayon sa mga eksperto.

TAHAN NA, BABY! Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbabakuna kontra tigdas sa isang sanggol sa health center sa Barangay Payatas, Quezon City nang pangunahan niya ang information drive at pagbisita sa mga pasyente ng tigdas sa lungsod nitong Lunes. MARK BALMORES

TAHAN NA, BABY! Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbabakuna kontra tigdas sa isang sanggol sa health center sa Barangay Payatas, Quezon City nang pangunahan niya ang information drive at pagbisita sa mga pasyente ng tigdas sa lungsod nitong Lunes. MARK BALMORES

Sinabi ni Dr. Mario Panaligan, presidente ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, na maaaring dumanas ng mga seryosong kumplikasyon ang mga dinapuan ng tigdas, anumang edad ng mga ito, kung hindi kaagad na malulunasan ang sakit.

“Kahit bata o matanda, delikado ang kumplikasyon ng tigdas,” sinabi ni Panaligan sa isang health forum sa Quezon City. “Hindi komo matanda ay mas mataas ang risk to have complications.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Panaligan, ang mga pasyenteng nilalagnat ay karaniwan nang sumasakit ang lalamunan na dulot ng mga secretions na naiipon doon.

“So talagang tumataas ang chances na magkaroon ng pulmonya. May mga tao ring nabubulag... ang iba naman ay patulug-tulog dahil namamaga na rin kasi ang utak,” sabi ni Panaligan.

Sinabi naman ni Philippine Pediatric Society President Salvacion Gatchalian, isa sa mga panelists sa forum, na ang malulubhang kaso ng tigdas ay maaari ring mauwi sa Subacute Sclerosing Panencephalitis (SSPE).

“This can be seen also in adults but this is more common among children who have measles less than two years (old). It can manifest seven, eleven years after the measles infection. There's an intellectual and behavioral deterioration and eventually namamatay, mataas ang percentage of death, mga 90 percent,” sabi ni Gatchalian.

Hinimok ni Gatchalian ang mga magulang na sundin ang schedule ng bakuna sa kanilang mga anak laban sa tigdas, na nagsisimula sa siyam na buwan, habang ang unang dose ng booster ay sa ika-12 hanggang ika-15 buwan ng sanggol, at ang second dose at pagsapit nito ng apat hanggang anim na taon.

Bukod sa bakuna, pinayuhan ni Gatchalian ang publiko na hugasang mabuti ang kanilang mga kamay, takpan ang bibig kapag bumabahing, at manatili na lang sa bahay kung may sakit upang maiwasang mahawa ng tigdas.

PNA