MULA sa rebound ni Joel Embiid,naipasa ni Stephen Curry ang bola sa rumaragasang si Antetekoumpo para sa break away two-hand slam dunk. Nakabibilib na tagpo at nakakasayang aksiyon na inaasahang hatid ng NBA All-Star game.

HINDI mo mamimintis ang All-Star game.

HINDI mo mamimintis ang All-Star game.

At sinisiguro ng Solar Entertainment’s – Basketball TV at NBA Premium TV – na mapapanood ng basketball fans ang naturang aksiyon sa live telecast ng NBA 2019 All Star Weekend sa Pebrero 16-18.

Magkasama ang tatlong superstars sa Team Antetecoumpo na sasabak kontra sa Team LeBron James.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit bago ang All-Star game, mapapanood muna ang Mountain Dew Rising Stars tampok ang mga nangungunang rookies at sophomores sa NBA na hinati sa Team USA at Team World sa February 16 at mapapanood ng live ganap na 10:00 ng umaga.

Ang Team USA ay kinatawan nina rookies Trae Young at Marvin Bagley III kasama sina 2nd year players Donovan Mitchell at Jayson Tatum laban sa Team World na pagbibidahan ni super rookie Luka Doncic ng Slovenia kasama sina last year’s Rookie of the Year Ben Simmons (Australia) at 2018 #1 Pick DeAndre Ayton (Bahamas).

Ang ikalawang araw ng All Star weekend – ang State Farm All Star Saturday Night – ay magtatampok sa iba’t ibang side event tulad ng Skills Challenge, 3 Point shootout and ang pinakaaabangan na Dunk Contest.

Kompirmadong sasabak sa shootout sina two-time NBA MVP Steph Curry at nakababatang kapatid na si Seth (3 Point Shootout), habang mangunguna sina 2nd year players Kyle Kuzma at Jayson Tatum (Skills Challenge), habang nakatuon ang pansin kina Dennis Smith at John Collins (Dunk Contest). Mapapanood ang aksiyon live ganap na 9:00 ng umaga.

Ang Team Lebron vs Team Giannis ay magkakasubukan sa All-Star game na live na mapapanood ganap na 9:00 ng umaga ng Pebrero 18 (Peb. 19 sa Manila).

Sa mga nagnanais na makapanood ng live telecast ng 2019 NBA All Star Weekend, inaanyayahan ang lahat na dumalo sa “BTV All Star Festival 2019” sa February 17 sa Eastwood Central Plaza. Mistulang nasa venue ng Charlotte Hornets ang basketball fans na may posibilidad pang manalo sa merchandize give away.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Basketball TV sa Facebook.com/basketballtv at Twitter at Instagram @btvhoops. Mapapanood ang Basketball TV sa Sky Cable Ch 33, Cignal Ch 95, Cablelink Ch 60, GSAT Ch 36 at Easy TV Ch 13, habang ang NBA Premium TV ay mapapanood sa Sky Cable Ch 84(SD), Ch 175 (HD), Cignal Ch 96 (SD) and 262 (HD), Cablelink Ch 350 (HD) at Easy TV Ch 14.