TINIYAK nang mapapasabak sa world title bout si OPBF light flyweight champion Edward Heno ng Pilipinas na tatlong beses pinabagsak ang Hapones na si Koji Itagaki para mapanatili ang kanyang titulo kamakalawa ng gabi sa NTT Cred Hall, Hiroshima, Japan.

Unang pinabagsak ni Heno si Itagaki sa 7th round ng laban bago muling pinabagsak ang Hapones sa 12th round kaya nagwagi sa mga iskor na 119-106, 117-108 at 117-107 kaya tiyak na lalo siyang aangat sa world ranking. Nakalista si Heno na No.3 sa WBC at WBO, No. 6 sa WBA at No. 11 sa IBF junior flyweight rankings.

Ikatlong depensa ito ni Heno ng OPBF title makaraang magkasunod na talunin kapwa sa puntos sina dating WBO minimumweight champion Merlito Sabillo at IBF No. 14 at WBC No. 15 Jessie Espinas .

Nanatiling malinis ang rekord ni Heno sa 14-0-5, kabilang ang lima via knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Itagaki sa 18-14-3 na may 7 panalo sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña