HINDI binigo ni Davao-pride Bornok Mangosong ang kanyang mga tagahanga matapos pagharian ang inaabangang pro open class sa unang yugto ng MX Messiah Fairgrounds (MMF) Supercross 7 sa MMF, Club Manila East, Taytay Rizal.

KIDDIE CHAMP! Mas naging makabuluhan ang podium finish ng mga tsikiting na rider nang tanggapin ang mga tropeo at medalya sa celebrity couples na sina Kristine at Oyo Boy Sotto. Ang mga nagwagi sa 50cc (7 years and below) kategorya sa unang yugto ng 2019 MMF Supercross sa X Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal ay sina (mula sa kaliwa) Dylan Fabian (4th place) Caleb Tamayo (2nd place), Josh Tamayo (Ist place), Dhen Mark Teves (3rd place), at Gean Malgapo (5th place).

Sa kabila ng aberyang dulot ng pagkasira ng Yamaha bike ni Mangosong ilang oras bago ang pro open class, hindi nawalan ng kumpyansa ang Mindanao pride at nanatiling matatag sa kabuuan ng karera gamit ang hiram na motor kay organizer Sam Tamayo.

Gamit ang walang takot na estilo, inungusan ni Mangosong ang batang mandirigmang si Ompong Gabriel upang kunin ang unang puwesto.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Talagang pokus lang at wag kang kabahan. Nung nakita ko ng hindi na talaga gumagana yung bike, nag-iisip na ko ng mahihiraman kasi gusto ko pa din kumarera. Kung akin, akin. Kung di naman, ganon talaga. Pero mahalaga ay pokus ka pa din,” pahayag ng 27-anyos na si Mangosong.

Gagawin ang ikalawang yugto ng serye sa Marso 3.

Ilan pa sa mga nagpasiklab ay sina Joseph Penaso sa Open Local Two Stroke Enduro, John Kennet h Saligao ng Amateur Production, Roman Llorente ng Executive Production at Michael Tschop ng Amateur Open Production.

Muli ring nasaksihan ang pagkarera ng moto legend na si Jolet Jao sa pro open kontra sa mga batang karibal. Huli man sa roster, hinakot ni Jao ang veterans class sa unang leg.

Iniuwi din nila Abdul Heiz Sandani ang tropeo ng Beginners Open Production at ng Power Enduro habang hindi nagpahuli sa bakbakan si Lad Bucag na nagwagi sa Open Underbone at Local enduro 4-stroke

Wala pa rin kapantay si Pia Gabriel na nanatiling unbeatable sa ladies class habang si Shana Tamayo naman ang nag-uwi ng korona sa Girls division (age 12 and below).

Nagpamalas din ng galing ang mga tsikiting na sina Lleyton Fellizar (85cc), Carl Celestino (65cc 11 and below), Xy Maximo (50cc 9 and below), Joshua Tamayo (50cc 7 and below) at Dylan Fabian (Yamaha PW50 5 and below).

Ang serye ay inorganisa ng MMF at suportado ng Shell Advance Motorcycle Oil, Yamaha Motor Philippines, Fox Racing Philippines, Coffee Grounds, Dunlop Tires, at Richbian Taxi