BUKAS pa ang pagpapatala para sa 2nd Anniversary Criterium Race ng pamosong Bicycology Shop sa Pebrero 24 sa C-5 Extention (Golden Haven) sa Las Pinas.

Bukas ang karera para sa lahat ng mga biking enthusiast para sa mga kategoryang 60 & above; 50-59 yrs old; 40-49 yrs old; at 30-39 yrs old.

“First come, first served po tayo. Limitado po lamang sa 100 riders ang bawat kategorya para po mas madali nating ma-organized ang karera. Bahagi pto ito n gating awareness program para sa buting maidudulot ng biking sa ating kalusugan,” pahayag ni organizer John Garcia, pakner ni Olympian swimmer Eric Buhain sa Bicycology Shop.

“Kompleto po dito. Ang lahat ng gamit na kailangan natin nandito na po at may mga mahuhusay tayong mekaniko na magbibigay ng advice habang inaaayos ang ating mga bisikleta,” sambit ni Garcia.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

May entry fee na P100.00 bawat rider, ngunit naghihintay ang tropeo at papremyo sa podium finishers.

Sa mga nagnanais makilahok, magsadya at magparehistro sa mga branch ng Biycology Shop sa President Avenue, B.F Paranaque (green world plaza), at Daanghari, Las Pinas ( seaside dampa- Landers).