Ang pagkahilig sa Lego ng isang 19-anyos na estudyante sa Spain ang naging daan upang mabuo niya ang isang prosthetic arm mula sa mga piraso ng lego.

ROBOT ARM

Nag-aaral si David Aguilar ng bioengineering sa Barcelona International University of Catalonia, at siyam na taon pa lang siya nang mahilig siya sa mga Lego inventions, na naging daan na rin upang gumawa siya ng sarili niyang Lego prosthetic arm.

Sinabi ni Aguilar, kilala bilang "Hand Solo" sa online, na 18-anyos siya nang una niyang mabuo ang unang braso na ngayon ay may iba’t ibang disenyo na.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Mayroong small motors sa loob ang lego arm upang gumana na parang biological limb ng braso o kamay.

Ayon pa sa kanya, pinag-aaralan na rin niya kung paano makakabuo ng mga low-cost prosthetics para naman sa mga taong walang kakayahang bumili ng mahal na prosthetic arms.

UPI